08/25/2026
5 Micro Habits Na Nakatulong Sa Akin Maging More Regulated at Mentally Stable ❤️
(Special Needs Mom Edition — para sa mga araw na kailangan mo ring alalahanin ang sarili mo)
For the past few months, naging intentional na ako sa oras at energy ko. Hindi na basta-basta na lang — pinipili ko na kung saan ko ilalagay ang time at energy ko.Thse 5 micro habits — ginawa ko sila consistently, at nakita ko yung difference sa pagiging regulated, organized, at mentally stable ko.
1. Protecting my sleep 😴
Alam kong minsan ang tulog na lang natin ang “me time” — late night scrolling kasi yun lang oras na tahimik. Pero mas kailangan ko pa rin ang tulog kaysa sa extra scroll time. Pag well-rested ako, mas regulated ako at mas kaya kong harapin ang unpredictable mornings.
2. Limiting social media 📵
Yung feeling na nakakakita ka ng ibang bata na “on track” sa milestones, tapos bigla kang na-down? Nag-set ako ng limits para hindi ako masyadong ma-expose sa comparison, at para mas naipoprotektahan ko yung energy ko.
3. More time in nature 🌿
Hindi ko na hinihintay yung “perfect” outdoor trip. Kahit ilang minuto lang na labas, o sensory-friendly spot, o paglabas sa bakuran habang naglalaro siya — nakakatulong talaga na huminga, mag-reset, at bumalik sa center ko.
4. Avoiding gossip and toxic conversations 🚫
Marami tayong napapakinggan — judgment, unsolicited advice, comparisons sa ibang pamilya. Natutunan kong pumili kung sino ang kausap ko at anong energy ang pinapapasok ko. Kailangan ko ng mga taong nakakaintindi, hindi nang-jjudge — dahil affected talaga ang peace of mind ko dun.
5. 10 minutes alone with my thoughts 🧠
Sa dami ng inaasikaso — therapy notes, appointments, worries about the future — minsan hindi mo na alam ang nararamdaman mo. Kaya sampung minuto lang, walang phone, hahayaan ko lang ang sarili kong maramdaman ang lahat, kahit messy pa. Dito ko na-realize na yung pagiging intentional sa oras ko ay hindi selfish — kailangan pala talaga.
Hindi ito perfect system. Pero ilang buwan na akong ginagawa ito, at ramdam ko na — mas organized ako, mas regulated ang emotions ko, at mas stable ang mental health ko kahit gaano kahirap ang araw. 🤍
Save this for the day na kailangan mo ng reminder na okay lang unahin ang sarili mo minsan.❤️🤗