17/04/2026
๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ 3-๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ -๐-๐๐ฑ๐ฉ๐ข๐ซ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ
Nag-anunsyo ang Land Transportation Office o LTO ng tatlong buwang extension para sa mga driverโs license, conductorโs license, student permit, at vehicle registrations na mag-e-expire ngayong Abril 2026.
Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, ipinatupad ang hakbang sa direktiba ng Department of Transportation sa pangunguna ni Secretary Giovanni Lopez, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr., upang maibsan ang epekto ng patuloy na krisis sa presyo ng langis.
Sa ilalim ng polisiya, mananatiling valid sa loob ng karagdagang tatlong buwan ang mga lisensya at rehistrasyon na mag-e-expire ngayong Abril, at walang ipapataw na multa sa mga motorista sa loob ng nasabing panahon.
Paliwanag ng LTO, malaking tulong ito lalo na sa mga public transport operators at mga nagdadala ng mahahalagang produkto tulad ng mga produktong agrikultural.
Dagdag pa ni Lacanilao, kahit masangkot sa aksidente ang isang motorista na sakop ng extension period, mananatiling valid at legal ang kanilang lisensya.
Ang naturang extension ay agad na epektibo ngayong Abril at nagbibigay ng sapat na panahon sa mga motorista upang makapag-renew batay sa kanilang kakayahan at sitwasyon.