29/01/2026
"Hindi mo ramdam ang halaga ng insurance sa magagandang araw. Ramdam mo ito sa pinakamasasama.
Kapag maayos ang lahat—may trabaho, kita, ipon—parang wala lang ang insurance. Minsan pa nga iniisip na sayang sa pera.
Pero kapag may biglang nagkasakit, naospital, o may emergency, doon lalabas ang tanong: ‘paano na ang pambayad?’ Doon nagsisimula ang utang, pagbenta ng gamit, pangungutang kung kani-kanino.
Insurance ay hindi para sa araw na maayos ang lahat. Kailangan mo ito sa araw na hindi ka handa—para hindi maubos ang ipon, para hindi madagdagan ang stress, para mauna ang pamilya.
Insurance is not for showing off. It’s for showing up when life hits hard.