27/10/2026
You Do Not Need to Decide During Your First Inquiry.
May mga decisions sa buhay na hindi kailangang madaliin, at isa na rito ang pagbili ng bahay.
Imagine this: Nag-scroll ka sa Facebook, may nakita kang property na nagustuhan mo, kaya nag-message ka para magtanong. Gusto mong malaman ang presyo, location, at kung ano ang itsura ng bahay.
Pero habang kausap mo ang realtor, naiisip mo na, “Paano kung magtanong ako tapos isipin niyang bibili na ako?” O kaya, “Paano kung hindi ko pala magustuhan kapag nalaman ko na ang lahat ng details?”
The truth is, you are allowed to explore before you make a decision.
Hindi naman kailangang sa unang conversation pa lang ay alam mo na kung anong property ang gusto mo. Minsan, kailangan mo munang makita kung ano ang available, maintindihan ang differences ng bawat option, at malaman kung ano talaga ang hinahanap mo.
May mga bagay na mas nagiging malinaw habang nag-aaral ka. Akala mo, location ang pinakaimportante sa iyo, pero later on, mare-realize mong mas kailangan mo pala ng mas malaking space.Akala mo, kaya mo ang isang property, pero nang makita mo ang complete computation, may iba ka palang kailangang i-consider.
And that's part of the process.
You don't have to get everything right on your first inquiry. Hindi rin kailangang alam mo na agad ang lahat ng tanong na dapat mong itanong. You can learn as you go.
Ang mahalaga, bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong umunawa bago pumili.
Huwag mong gawing deadline ang unang inquiry mo para magkaroon ng final answer.
Because sometimes, the first step isn't choosing a house. It's discovering what you actually want and need in a home.
Take your time. Ask questions. Learn something new. And when the time comes to make a decision, make sure it is one you understand and feel confident about.
Your first inquiry is a beginning, not a deadline. ❤️