08/05/2026
"2 minutes lang, may MP2 account na ako! " โ Bernadette Reyes
Pang ilang MP2 ko na ito pero this time, sa Pag-ibig Office na ako pumunta kasi check ang dala ko.
THINGS TO BRING:
Valid government ID ( ids accepted: national id, passport, driver's license, NBI, postal id, voter's ID, tin ID, barangay certification, SSS, GSIS, senior citizen card, owwa or OFW ID, seaman's book, IBP ID, company ID is also accepted)
Money / check for deposit
proof of source of income if more than 100,000 ang ilalagay sa MP2 (bank statement, ITR, pay slip etc)
WHAT TO DO:
Get a number. Pagdating ko, pang third in line ako. While waiting nag sagot na ako ng MP2 application form.
Pagkatawag sakin binigay ko ang form. Tinanong ako if annual or compounded. I chose compounded meaning pati yung kikitain ko na dividends every year, isasama sa iinvest na pera and after five years ko na lahat makukuha together with the principal at lahat ng kita.
Pagtanggap ng application form may nag na SMS na nagsabing natanggap na ang application ko. Nireview din nila agad. After 2 minutes, approved na!
Next sinagutan ko yung payment order form then pinapunta na ako sa cashier.
Pagdating sa cashier hiningan ako ng proof ng source of income. Hindi ko alam na kailangan pa kasi active member naman ako at may account na ako sa kanila. Buti na lang puede ang screenshot ng bank statement. Pagkatanggap ng cheque, binigyan ako ng patunay na natanggap nila ang pera ko then okay na!
Next week posted na sa account ko and simula na naman ng pag lago ng pera.
Puede rin kayo mag open online pero for cheque payment kailangan mag punta sa branch.
SINO ANG QUALIFIED?
kahit sino na active Pag-ibig member
Puede rin mga retirado na, pensioners, senior citizen and former members kahit unemployed
Nilipat ko dito yung investment ko sa isang bank kasi bumaba na sa 4.6 percent yung dating 5.5 percent na interest.
Kaya ko pinipili noon yung 5.5 percent na interest kahit 7 percent ang dividend sa MP2 dahil sa una, 30 days lang yung terms, meaning after 30 days kumita na ang pera, then puede ko na ipullout yung money at gamitin sa ibang bagay. Sa MP2 naka lock-in yung pera for five years. But since hindi ko naman kakailanganin pa yung pera at para ito sa future ng anak ko,park ko na muna dito. Meron pa rin akong naka invest doon sa bank na may 30 days na terms pero sa panahon ngayon mahalaga ang diversification o yung nag iinvest tayo sa ibat ibang bagay para may flexibility.
Bukas post ko yung video tutorial ๐
ito ay based sa personal knowledge at experience ko. Do your own research also if para sa inyo ang mp2. Ang usual na tanong is it risk-free? Like all other investment walang totally risk-free pero since government-backed ito, its widely considered as one of the safest options.
Goodluck and sana ma achieve nyo ang financial freedom sa kabila ng tumataas na presyo ng mga bilihin.