01/11/2026
SSS CORRUPTION ISSUE: DAPAT BA TAYONG MATATAKOT AT TUMIGIL NA SA PAGHUHULOG? 🤔OFW
Sa dami ng kumakalat na balita tungkol sa SSS ngayon, may mga miyembro na natatakot na baka pagdating ng panahon na sila naman ang mag-retire, wala nang perang maibigay sa kanila.
May mga balitang nagsasabing may ₱40 BILLION na nawala sa pondo ng SSS at ginagamit daw ang pera ng mga miyembro sa ibang proyekto ng gobyerno.
Pero bago tayo maniwala at mag-panic, intindihin muna natin ang nangyayari.
1. May problema ba talaga sa SSS?
YES. May mga seryosong findings ang Commission on Audit (COA) tungkol sa investments, financial management at pension payments ng SSS.
Pero linawin natin: ang halos ₱40 billion na nabalita ay UNREALIZED INVESTMENT LOSSES o tinatawag na paper losses. Hindi ito nangangahulugang literal na ninakaw o nawala ang ganoong halaga.
May mga pagkukulang din na dapat imbestigahan at panagutin kung may mapatunayang paglabag.
2. Paano ba gumagana ang SSS?
Hindi naman lahat ng perang ipinapasok natin ay nakatabi lang sa isang account para hintayin ang retirement natin.
Ang contributions ng mga miyembro ay pinagsasama-sama sa isang social insurance fund. Ginagamit ito sa pagbabayad ng iba't ibang benefits, kabilang ang retirement, disability, death at sickness benefits.
Ang bahagi ng pondo ay ini-invest din upang kumita at masuportahan ang pangmatagalang kakayahan ng SSS na magbayad.
3. Ito ang dapat nating maintindihan bilang mga miyembro.
Sa ngayon, may mga pensioners na tumatanggap ng kanilang buwanang pension.
Tayo namang mga nagtatrabaho pa, halimbawa edad 20–59, ay patuloy na naghuhulog ng contributions.
Pagdating ng panahon na tayo naman ang mag-retire, may susunod na generation na magiging contributors din sa SSS.
Hindi ibig sabihin na sila lang ang magbabayad ng pension natin. May investment earnings at iba pang resources din ang SSS.
Ito ang konsepto ng intergenerational solidarity: nagtutulungan ang iba't ibang generations para mapanatili ang social security system.
4. Kaya dapat ba tayong tumigil sa paghuhulog?
Para sa akin, hindi dapat basta-basta tumigil dahil lamang sa mga kumakalat na balita.
Hindi rin naman natin gustong mawalan ng retirement, disability, death at iba pang benefits na maaaring kailanganin natin balang araw.
Pero hindi ibig sabihin nito na dapat nating palampasin ang mga pagkukulang ng SSS.
Bilang mga miyembro, may karapatan tayong humingi ng:
✔️ Transparency sa paggamit ng ating contributions.
✔️ Maayos na investment management.
✔️ Accountability sa mga opisyal na mapatutunayang nagkamali o lumabag sa batas.
✔️ Proteksyon sa pondo ng kasalukuyan at susunod na pensioners.
5. Ang gusto kong iparating:
Ang SSS ay hindi pag-aari ng kung sinong presidente, opisyal o administrasyon.
Ito ay isang institusyong ang pondo ay pinagkakatiwalaang pangalagaan para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino at kanilang pamilya.
Kaya kung may anomalya, imbestigahan. Kung may nagnakaw, panagutin. Kung may maling investment decisions, ayusin.
Pero huwag nating kalimutan na ang SSS ay para sa ating lahat.
Hindi lang ito para sa mga pensioners ngayon. Para rin ito sa ating mga naghuhulog ngayon at sa susunod pang generations.
ANG DAPAT NATING IPAGLABAN AY HINDI ANG SINUMANG NAKAUPO SA SSS. ANG DAPAT NATING IPAGLABAN AY ANG ATING PONDO AT ANG KINABUKASAN NG BAWAT MIYEMBRO.
Joy Harion Joy Ofw Jordan