06/10/2026
Nakakatuwa lang isipin na dati ako rin yung laging nagtatanong at naghahanap ng sagot sa mga mas may alam kaysa sa akin. Hanggang ngayon pakiramdam ko estudyante pa rin ako ng market. Pero kung may natutunan man ako, yun ay ang halaga ng araw-araw na pag-show up Hindi laging may resulta hindi laging may breakthrough pero bawat araw na nandiyan ka at seryosong nag-aaral may naiipon kang experience na hindi mo agad napapansin
tuloy lang. Huwag masyadong magmadali. Darating yung panahon na yung mga tanong na itinatanong mo ngayon, ikaw na rin ang sasagot balang araw basta patuloy kang nagpapakita at nagpapahusay may makakapansin din sa progreso at talento mo Ang importante huwag kang tumigil sa pag-aaral at pag-improve🤍 🫶