04/06/2026
𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜. 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞. 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔! 🇵🇭
Handa na ba kayo para sa kauna-unahang 𝗢𝗙𝗪 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗘𝘅𝗽𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲?
Sa ilalim ng programang Alagang OWWA, sama-sama nating ihahatid ang mga serbisyo, kaalaman, at oportunidad na tutulong sa ating mga OFW at kanilang pamilya na makamit ang mas matatag, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan.
𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗚𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞!
𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗫𝗣𝗢?
🏛️ One-stop government services para sa OFWs at kanilang pamilya
💳 OWWA Membership at e-Card registration at activation
💼 Mga oportunidad sa negosyo, franchising, at business advisory mula sa mga partner ng Philippine Franchise Association at iba pang private sector partners
📚 Libreng training, upskilling, entrepreneurship, financial literacy, at skills development programs
🎓 Mga scholarship, education, at certification opportunities
💰 Access sa financial services at programs kabilang ang savings, investments, insurance, housing, at financing solutions mula sa ating mga partner gaya ng BDO, LANDBANK, OFBank, at DTI-Small Business Corporation
🏥 Libreng medical consultation, check-up, wellness services, at access sa gamot mula sa ating mga health partners
🌱 Reintegration, livelihood, at kabuhayan programs para sa mga OFW na naghahanda para sa kanilang bagong simula sa Pilipinas
⭐ OWWA-TESDA MOA Signing para sa pagpapalawak ng training at upskilling opportunities para sa ating mga OFW at kanilang pamilya
⭐ Exhibitor at Franchise Showcase
⭐ Mga kwento ng tagumpay mula sa mga OFW beneficiaries at entrepreneurs
Makakasama natin ang mahigit 15 government agencies at reintegration partners, 20 private sector at industry partners, 10 franchise brands, higit 70 exhibitors at service providers, at 72 booth spaces na handang maghatid ng serbisyo, suporta, at oportunidad para sa ating mga modernong bayani.
Higit pa sa isang expo, ito ay isang pagkakataong makakuha ng kaalaman, mapangalagaan ang kalusugan, mapalago ang kabuhayan, mapalawak ang inyong network, at makahanap ng mga bagong oportunidad para sa inyong pamilya.
📍 SMX Convention Center Manila, Mall of Asia Complex, Pasay City
📅 June 7, 2026 (Sunday)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
❤️ 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮
📘 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻
💚 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻
𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝘂𝘄𝗶, 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮.
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗢𝗙𝗪 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮, 𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 Pilpinas.