02/11/2023
Maraming pinoy ang Ganito ang sinasabi 😕
“Nak, ikaw na bahala sakin pagtanda ko.”
“Nak, pag may trabaho ka na, ikaw naman ang tumulong sa amin.”
“Nak, pag nagka trabaho ka na, ikaw na mag-paaral sa mga kapatid mo.”
Very common ‘to sa ating mga Pinoy. Wala pa d’yan yung gastusin sa mga gamot kung sakaling magkasakit ang mga magulang. Likas sa ating mga Pinoy ang tumulong at magmahal sa pamilya. At hindi masama ‘yon. Walang question doon.
PERO hindi ba mas maganda kung maririnig natin ito, na...
“Nak, ipunin mo na lang ‘yang pera para makapagpatayo ka ng sarili mong bahay.”
“Nak wag mo kaming alalahanin, kaya namin. Bumuo ka na ng sarili mong pamilya.”
“Anak, matanda na ako, pero nakapag-handa ako. May panggastos ako. Ayokong mahirapan ka. Ganyan kita kamahal.”
Pag retired ka na, titigil ang income mo, pero ang gastusin, tuluy-tuloy pa rin. Maraming paraan para paghandaan ang retirement. At responsibilidad natin ‘yon bilang magulang.