27/08/2026
ANTI RABIES & TETANUS BENEFIT ng 4 ACE Philippines 💉
Huwag ipagsawalang bahala ang kagat o kalmot ng hayop at mga sugat dulot ng pagkakapako.
Ang isang maliit na sugat ay maaaring maging sanhi ng malubhang komplikasyon kung hindi agad maaagapan. Kaya mahalagang maging maingat at kumilos agad kapag may ganitong insidente.
Bilang bahagi ng aming malasakit, ang 4 ACE Philippines ay nagbibigay ng Anti Rabies & Tetanus Benefit para sa mga kwalipikadong kliyente na nangangailangan ng tulong kaugnay ng mga ganitong insidente.
Nais naming maging katuwang kayo sa oras ng pangangailangan at makatulong sa pagprotekta sa inyong kalusugan at kaligtasan.
Dahil sa 4 ACE Philippines, ang malasakit ay hindi lamang salita. Ito ay serbisyong may puso para sa aming ACEsome Family.