Kabalikat Para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI)

Directions Website Contact the business

Kabalikat Para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI) KMBI (A Microfinance NGO)

31/10/2026

🕯️ 𝐓𝐀𝐑𝐀, 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎! | 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐋𝐄 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒, 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐖𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐏𝐇𝐏 𝟔,𝟎𝟎𝟎 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐇𝐔𝐍𝐀𝐍! 💡

Panahon na naman ng Undas, mga Kabalikat! At siyempre, hindi mawawala sa ating mga binibili ang kandila. Pero alam n'yo bang pwedeng maging pangmatagalang negosyo ang paggawa at pagbebenta nito? 👀

Tampok sa panibagong episode ng 𝗧𝗮𝗿𝗮, 𝗡𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼 𝗧𝗮𝘆𝗼! ang candle-making business ni Ericka Reyes, na nagsimula sa Php 6,000 na puhunan! 💰

Ang mas nakakabilib, hindi lang tuwing Undas ang bentahan ng kanyang mga kandila. Mabenta ito all year round!

Ano kaya ang sikreto ni Ericka para mapalago ang kanyang negosyo? Alamin ang kanyang kwento sa latest episode ng Tara, Negosyo Tayo! at baka ito na ang sign mo para simulan ang sarili mong negosyo!



📣 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘Heads up, mga Kabalikat! Walang operasyon sa lahat ng opisina ng KMBI sa November 2, 2026 (...
30/10/2026

📣 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Heads up, mga Kabalikat!

Walang operasyon sa lahat ng opisina ng KMBI sa November 2, 2026 (Monday) bilang paggunita sa All Souls’ Day.

Magbabalik ang operasyon ng KMBI sa November 3, 2026 (Tuesday).


𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼. 🌻Kapag nasa maayos na kondisyon ang ating isip at kat...
28/10/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼. 🌻

Kapag nasa maayos na kondisyon ang ating isip at katawan, mas nagiging handa tayong harapin ang mga hamon at tugunan ang mga responsibilidad sa ating negosyo.

Makinig sa iyong katawan kapag sinasabi nitong kailangan mong magdahan-dahan.

Bukod sa mga puhunan at kagamitan, isa kang mahalagang asset ng iyong negosyo. 💚



“Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna  maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanya...
23/10/2026

“Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’ mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin.”
–Lucas 14:10

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡
Handa ba akong pumili ng mas mababang lugar at maglingkod nang walang hinihintay na papuri mula sa mga tao?


Hindi lahat ng bagay ay kailangang sarilinin 🫂Dahil sa pangambang mahusgahan na ibang tao, madalas na sinasarili natin a...
20/10/2026

Hindi lahat ng bagay ay kailangang sarilinin 🫂

Dahil sa pangambang mahusgahan na ibang tao, madalas na sinasarili natin ang mga problema sa negosyo at sa buhay.

Kapag mayroon kang pinagdaraanan, huwag mag-atubiling lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan mo sa buhay o sa mga psychologists/psychiatrists dahil mas gumagaan ang mga pagsubok kapag may kasama ka sa pagharap ng mga ito.

𝐊𝐌𝐁𝐈 𝐌𝐚𝐩𝐬 𝐎𝐮𝐭 𝐒𝐭𝐫𝐚𝐭𝐞𝐠𝐢𝐜 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟕-𝟐𝟎𝟑𝟎 🎯KMBI’s Expanded Management Committee convened on October 14-15, 2026, at the...
19/10/2026

𝐊𝐌𝐁𝐈 𝐌𝐚𝐩𝐬 𝐎𝐮𝐭 𝐒𝐭𝐫𝐚𝐭𝐞𝐠𝐢𝐜 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟕-𝟐𝟎𝟑𝟎 🎯

KMBI’s Expanded Management Committee convened on October 14-15, 2026, at the Panay Conference Hall in Quezon City for a two-day strategic planning session to shape the organization’s strategic directions for 2027 through 2030.

The planning session marked the beginning of a four-year strategic roadmap aimed at strengthening KMBI’s organizational priorities, enhancing operational effectiveness, and ensuring the continued delivery of responsive and sustainable microfinance and non-financial services.

Read more: https://kmbi.org.ph/media-center/news/306-kmbi-maps-out-strategic-plan-for-2027-2030


𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓅𝒶𝑔𝓈𝓊𝓀𝑜 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒾𝓁𝒾𝒾𝓃 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒶𝒽𝒾𝓃𝑔𝒶 🫂Sa isang mundo na laging abala sa maraming bagay, huwag nating kalimutang maglaan ...
13/10/2026

𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓅𝒶𝑔𝓈𝓊𝓀𝑜 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒾𝓁𝒾𝒾𝓃 𝒶𝓃𝑔 𝓅𝒶𝒽𝒾𝓃𝑔𝒶 🫂

Sa isang mundo na laging abala sa maraming bagay, huwag nating kalimutang maglaan ng oras para sa ating mga sarili.

Tandaan, kasama sa paglaban sa mga hamon ng buhay ang pagkilala na napapagod ka rin at minsan, kailangan mo munang huminto, huminga at magpahinga bago muling magpatuloy.

𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣𝗔𝗡! 🔐💻Alam mo bang 𝘾𝙮𝙗𝙚𝙧𝙨𝙚𝙘𝙪𝙧𝙞𝙩𝙮 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 ang buwan ng Oktubre? Dahil mas marami na tay...
12/10/2026

𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣𝗔𝗡! 🔐💻

Alam mo bang 𝘾𝙮𝙗𝙚𝙧𝙨𝙚𝙘𝙪𝙧𝙞𝙩𝙮 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 ang buwan ng Oktubre?

Dahil mas marami na tayong transaksyong ginagawa online, nagiging mas high-tech na rin ang mga paraan ng panloloko. Kaya naman kailangan ng doble ingat at laging maging mapanuri upang hindi mabiktima ng online scams!

Narito ang ilang simpleng tips para maprotektahan ang iyong personal na impormasyon, ang iyong negosyo, at ang pinaghirapan mong pera. 💚

Tandaan, mag-isip bago mag-click at mag-verify bago magtiwala!


10/10/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀, 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎! | 🍔 𝐁𝐔𝐑𝐆𝐄𝐑 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒, 𝐊𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐗 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐓𝐀?! 💸

Sa mga naghahanap ng sulit at masarap na merienda, isa talaga ang burger sa mga paborito nating balik-balikan. Kaya naman isa ito sa ating mga go-to quick snack na mabigat sa tiyan pero magaan sa bulsa!

Ito ang business ni Marivic Jamilla, dating office worker at isa nang successful na negosyante ngayon. Kasama ang kaniyang tita, unti-unti nilang pinalago ang Kyle’s Burger and Fries Station sa Litex, Quezon City na talagang hinahanap-hanap at pinipilahan ng mga customers.

💡 Ano ang sikreto sa likod ng kanilang negosyo? Paano nila pinalago ang kanilang burger business?

Tara, Negosyo Tayo!


"Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad...
09/10/2026

"Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo."
–Galatia 1:10

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡
May mga bagay ka ba sa buhay mo ngayon na ginagawa mo lang para lang magustuhan at purihin ka ng ibang tao?



Address

12 San Francisco Street, Karuhatan
Valenzuela
1441

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabalikat Para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kabalikat Para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI):

Shortcuts

Share

Nearby finance companies