30/08/2024
Kung OFW ka, basahin mo ito para hindi masayang ang ilang taon na pagsasakripisyo.
Una, saludo sa inyo. Hindi biro ang makipagsapalaran sa lugar na hindi mo kabisa, at masakit sa dibdib na ‘di katabi sa pagtulog ang mga mahal mo.
• Bayaran at tapusin agad ang mga utang na ginamit pang-abroad, mas magandang walang utang na lumalaki. Mas makakaipon ka, bawas stress din.
• Mag-budget. Gasgas na gasgas na ito, pero makakatulong ito sa’yo para mas makapag-ipon. Unahin palagi ang ipon para sa sarili.
• Magpadala lang muna sa pamilya ng sapat. Kausapin ang pamilyang pinadadalhan ng allowance na mag-budget para matulungan ka rin mag-ipon.
• Ipaunawa sa asawa at mga anak mo na hindi madali kumita ng pera porke nasa ibang bansa. Mas magiging magaan kung alam nila ang tunay na kalagayan mo.
• Protektahan ang sarili. Magbukas ng insurance at investments account. Aralin ng mabuti para hindi mabigla. Pwede mo magamit ang mga nilagay mo dito sa pagpapagamot in the future, education plan o retirement fund mo.
• Magpundar. Magpundar ng lupa, bahay at mga property. Para makita mo ang mga pinagpaguran mo ng ilang taon bukod sa ibang investments mo.
• Maging wais. Marami ng kwento ng OFWs na 10 yrs, 20 yrs sila sa abroad pero umuwing walang naipon. Huwag umuwing ZERO.
• Isama sa prayers kay Lord ang finances mo. He will give you peace and abundance. I-handle lang natin ng tama ang mga blessing.
Sana ay makatulong ito para maging intentional ang pag-iipon at pag-manage ng pera habang malayo ka sa pamilya. Ingat po!
Message me if you need help on your insurance.