14/11/2025
Wala pa pong penalty ang mga nag expire na lisensya at rehistro ng sasakyan ngayong october at november…
Hurry and Renew now!!!
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋𝐓𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐋𝐀𝐊𝐀 𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐆 𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀 “𝟎”, 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑'𝐒 𝐋𝐈𝐂𝐄𝐍𝐒𝐄 𝐑𝐄𝐍𝐄𝐖𝐀𝐋, 𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐏𝐏𝐑𝐄𝐇𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐒𝐄𝐒 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝟐𝟖 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐃𝐄𝐊𝐋𝐀𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐈 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐍𝐆𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐎𝐒
Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Proclamation No. 1077, s. 2025 na nagdeklara ng State of National Calamity bunsod ng pananalasa ng Bagyong "Tino", naglabas ang Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ng LTO Memorandum para sa NATIONWIDE na pagpapatupad ng pagtanggal ng mga multa sa mga transaksyong "driver’s license renewal" mula 30 October 2025 hanggang 28 November 2025 at "traffic apprehension cases" mula 28 October 2025 hanggang 12 November 2025.
Ipatutupad din ng LTO ang NATIONWIDE EXTENSION ng registration sa mga sasakyang nagtatapos sa "0" ang plate number hanggang 28 November 2025.
Layunin ng Pangulong Marcos Jr. na higit pang makatulong at mabigyan ng konsiderasyon ang mga driver at nagmamay-ari ng mga motor vehicle na naapektuhan ng pananalasa ng magkasunod na mga Bagyong "Tino" at "Uwan" sa buong bansa.