16/08/2021
Sa mga na-hold po ang mga RELEASE, good news po. Magpaparelease/ renew na po uli kami simula bukas Aug. 17,2021. Ingat po tayong lahat!
KUMAKALAT NA BALITANG MAGPAPATUPAD NG LOCKDOWN SA DAGUPAN CITY, HINDI TOTOO
Nilinaw ni Mayor Brian Lim na hindi totoo ang kumakalat na balitang magpapatupad ng lockdown sa Dagupan City.
“Iyon pong lockdown na pinapakalat ng mga fake news trolls ay panakot lamang. They want to cause panic to people,” sabi ni Mayor Lim.
Nitong Biyernes, August 13, inilabas ng Pamahalaang Lungsod ang Executive Order No. 26 para ipaalala sa publiko ang mas mahigpit na mga hakbang na ipinatutupad sa Dagupan City para labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may mga kaso ng COVID-19 sa bansa na dulot ng mas nakahahawang Delta variant.
Kabilang sa mga ipinatutupad sa lungsod ang pagsasara ng palengke tuwing una at ikatlong Huwebes ng buwan, 9:00 PM hanggang 4:00 AM na curfew hours, at pagsusuot ng face mask at face shield sa palengke.
Walang nakalagay sa executive order na may deklarasyon ng lockdown sa Dagupan City.
“Kahit yung sa mga pinakamahigpit na lockdown sa bansa natin, nare-recognize na po ng national government that the economy has to run continuously. Hindi na nga lockdown per sē. It’s something else already. It’s no longer yung parang naranasan natin nung umpisa ng pandemic na talagang nasa bahay lang lahat tayo. They realized that it creates more damage to the economy,” dagdag ni Mayor Lim.
Binigyang-linaw naman ni Mayor Lim na ang basehan ng DOH sa pagkakabilang ng Dagupan City at ng ibang lugar sa bansa sa COVID-19 alert classification ay dahil sa COVID-19 bed capacity ng mga ospital at hindi dahil sa bilang ng mga kaso sa mga lugar na ito. (MSoriano/DagupanPIO)