11/11/2022
Ang istorya ng ISANG JANITOR NOON, NA NAGING FULL-TIME FINANCIAL EDUCATOR NA NGAYON!
2013 to 2015, ito yung panahon na janitor ako. Akala ko habang buhay na akong ganito kasi hindi ako natatanggap sa ibang company dahil sa high school graduate lang ako at fake pa ang grade noong elementary π
Sumubok din ako mag mag enroll sa University para sana mag aral ng engineering kaso hindi tinanggap dahil sa mga grades kong palakol. Kaya sa loob ng dalawang taon, na lagi ko nadadaanan ang Don Bosco sa pag-uwi galing trabaho, naiinggit ako sa mga estudyante. Kaya dito nagbakasakali ako baka pwede yung grade ko, nang malaman ko na pwede sa vocational tinanong ko na din kung pwede mag-aral kahit may trabaho ako.
At naging working student ako sa loob ng dalawang taon, mahirap dahil wala masyado pahinga at tulog. Minsan overtime pa dahil kulang pa ang sinasahod at wala pa ako alam tungkol sa Investment, HealthCare, Insurance at Business. May konting ipon pero naubos lang din agad.
NANG NAKILALA KO SI IMG, UNTI-UNTI KONG NATUTUNAN ANG TAMANG PAGHAWAK NG PERA AT PAG-IINVEST.
Noong una, gusto ko lang mag-invest, sa isip ko ayaw ko gawin ang business dahil mahina ako sa English. Pero nalaman ko sa Business Training hindi pala tinitingnan ang sarili or degree dito. Kahit sino pala pwede maging Financial Coach or Educator dahil may System naman na susundan lang.
Ngayon ay tatlong taon na ako sa IMG, nagawa ko na din ang tinuturo ng IMG na tinatawag na βSOLID FINANCIAL FOUNDATIONβ at SA LOOB NG TATLONG TAON HINDI NA AKO EMPLEYADO, WALANG BOSS AT HAWAK KO ANG ORAS KO.
Kailangan lang ng sipag para matupad ang mga pangarap. Para mas marami pa akong matulungan lalo na sa mga katulad ko.
Kaya kahit ano pa ang estado mo sa buhay, janitor, security guard, kasambahay, basurero, o construction worker, sa mga kamag anak, kaibigan, kilala at hindi ko kilala. Mga hindi rin naka pagtapos, makinig na kayo sa IMG dahil walang scam sa pagtuturo ng tamang pag-iipon at pag-iinvest.
Hindi kami ang makikinabang kundi kayo. Mababago ang pananaw sa pera. Malaman ang tamang pag hawak ng pera. Wala naman kami income sa recruiting dito, pero sa IMG may pag-asa mabago ang buhay. Kaya maraming salamat IMG unti-unti mo tinupad mga pangarap ko. Ngayon Senior Marketing Director na ako. Hindi ko akalain magagawa ko ito. Kaya maraming salamat Lord dinala mo ako dito sa IMG. Maging coachable lang talaga.
Naway nakapagbigay ako ng inspirasyon,
Ang inyong kaibigan,
ctto