22/05/2026
Simple pakinggan.
Pero iba ang bigat kapag galing ito sa isang breadwinner na araw-araw lumalaban para sa pamilya.
May nakausap akong client.
Minimum wage earner.
Hindi mayaman.
Hindi malaki ang sweldo.
Walang negosyo.
Walang generational wealth.
Pero alam mo kung anong meron siya?
Responsibilidad.
At malasakit sa pamilya.
Habang marami ang nagsasabi ng:
โKapag malaki na sweldo ko.โ
โKapag nakaangat na kami.โ
โKapag may extra na.โ
Siya, nagdesisyon magsimula kahit maliit.
Kasi naiintindihan niya na hindi naman hinihintay ng emergency kung handa ka na.
Hindi rin nagtatanong ang sakit kung may ipon ka.
At lalong hindi nagpapaschedule ang pagkawala.
Bilang breadwinner, alam mo yung pressure na bawal kang mapagod.
Bawal kang mawalan ng trabaho.
Bawal kang magkasakit.
Kasi may pamilya na nakaasa saโyo.
Para sa mga OFW naman, alam ko hindi biro ang malayo sa pamilya.
Yung pagod, homesick, puyat, at sakripisyoโฆ
lahat para mabigyan sila ng magandang buhay.
Pero minsan, sa sobrang focus nating buhayin ang pamilya,
nakakalimutan nating protektahan ang future nila kapag may hindi inaasahang nangyari.
Ang pagiging โreadyโ hindi ibig sabihin milyonaryo ka.
Hindi ibig sabihin perfect ang buhay mo.
Ang tunay na pagiging ready ay yung kahit papaano,
may plano kang maiiwan para sa mga mahal mo.
Hindi mo kailangan maging mayaman para makapag-start.
Kailangan mo lang magdesisyon na ayaw mong iwan sa problema ang pamilya mo balang araw.
Kung kaya ng minimum wage earner maghanda,
kaya mo rin.
Message me if gusto mong malaman paano magsimula kahit budget-friendly lang.
Hindi kailangan malaki agad.
Ang importante, nagsisimula ka habang kaya pa.