19/08/2026
Sa bawat laban ni Kylie hindi siya kailanman nag-iisa. Isa sa mga patuloy na nagbibigay ng suporta mula pa noon 1 month old operation ni Kylie si Lola Myrna Keyes❤️
🙏 Ang kabutihan ninyong lahat ay patunay na kapag nagkaisa ang komunidad, nagiging mas magaan ang bigat ng pinagdadaanan. Ang inyong tulong ay nagiging tulay para sa mas maraming tao na makiisa at magbigay ng pag-asa.
💗 Sa lahat ng patuloy na sumusuporta, ky Kylie maraming maraming salamat po. Ang inyong pagmamahal at malasakit ay nagbibigay ng lakas kay Kylie upang harapin ang bawat hamon. Sama-sama tayong manalangin para malampasan at matagumpayan ang magiging operasyon ni Kylie. 💗
👉 Ang laban ni Kylie ay hindi natatapos dito. Patuloy nating ipakita na sa bawat puso na nagmamahal, may pag-asa at may himala.