07/05/2026
PROTIPS - May 6, 2026
Increase Your Productivity
By Maloi Malibiran-Salumbides
Pare-pareho naman tayong mayrong 24 hours sa loob ng isang araw, pero bakit may mga taong tila mas maraming trabaho ang natatapos kaysa sa iba? Ano nga ba ang kailangan para maging productive tayo?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Narito ang tatlong paalala na makatutulong sa pagpapataas ng ating productivity sa ating kumpanya.
1) Manage your time wisely. Mabilis na lumilipas ang ating oras lalo na kung wala tayong plano. Matatapos ang isang araw ng ganun-ganun na lamang at wala tayong na-accomplish na kahit ano, kung hindi tayo magiging intentional sa paggamit ng oras natin. Be more productive at work by managing your time. Sa pagsisimula pa lamang ng araw mo, kailangang mayroon kang malinaw na goals kung ano ang dapat mong magawa at tapusin. Gawin mo rin ito sa team na iyong pinamumunuan. Bawat team member dapat ay may malinaw na priorities at action plan. And they should be kept accountable to execute those plans.
2) Be Focused. Maraming pag-aaral ang nagsasabing, ang multi-tasking ay nakababawas sa productivity ng mga empleyado. People who are focused in finishing one task at a time tend to be more productive. Ganito rin ang sinabi ng philosopher na si Plato, "All things will be produced in superior quantity and quality, and with greater ease, when each man works at a single occupation, in accordance with his natural gifts, and at the right moment, without meddling with anything else." Tanggalin natin ang mga distractions sa trabaho natin at maging tutok tayo sa kailangan nating gawin at tapusin.
3) Collaborate with others. Kung gusto mong mas marami kang magawa, matutong makipagkapwa. You will be able to accomplish more if you work with others. Alam mo bang isa sa itinuturing na mahalagang skill para maging matagumpay sa 21st century workplace ay ang kakayahang makipag-collaborate. When you combine your abilities and strengths with others ang akala mong hindi mo kayang gawin ay nagiging possible. Mahalaga lamang sa team collaboration na matiyak na ang bawat team member ay gagawin ng tama at maayos ang kanilang trabaho.
Tatlong susi para tumaas ang ating productivity sa trabaho ay time management, focus at team collaboration. People who are fruitful in their work have a higher sense of fulfillment. Kaya simulan na nating maging mabunga. Magtrabaho na tayo at gumawa.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!