25/10/2020
THE ACCOUNTING EQUATION
Bago lumawig ang ating kwentuhan sa larangan ng accounting, dapat muna nating pag-usapan ang pinaka-basic na konsepto sa araling ito. Ito ay walang iba kundi ang accounting equation, na may formula na:
Assets = Liabilities + Capital
Madali lang naman ang ibig sabihin nito. Ipinapakita lang dito na ang mga assets ng kumpanya ay nanggaling sa mga investment ng owner (Capital), o kaya naman ay inutang sa banks o sa iba pang institutions (Liabilities). For example, ikaw ay nagtayo ng isang negosyo at bilang panimula ay nag-invest ka ng 100,000 cash. Bukod pa doon, ikaw ay bumili ng lupa at building na may halagang 3M, pero dahil wala kang pambayad, naisipan mong mangutang sa bangko.
Base sa example, ang Assets ng iyong company ay ang mga sumusunod:
100,000 Cash from investment of owner
3,000,000 Land and Building from bank financing
Kung isusulat natin ito sa paraan ng accounting equation:
Assets = Liabilities + Capital
3,100,000 = 3,000,000 + 100,000
3,100,000 = 3,100,000
Balanse ang magkabilang side ng equation!