14/04/2026
Naranasan mo na ba yung bumili ka ng stock at sinabi mo sa sarili mo na you will hold it forever kasi ang goal mo ay passive income for retirement?
Madami akong naririnig na ganito. Pero kapag nag-crash ang market, biglang panic sell, o minsan naman take profit to lock gains. Sabi nga nila, “Pera na ‘yan, baka maging bato pa.” Hehe.
But actually, normal lang ‘yan. Even if we plan ahead, madami tayong pagdadaanan sa journey natin that could change our minds or our situation. Ganun din naman sa real life.
Personal experience ko, when I was young, wala akong ibang pinangarap na trabaho kundi mag-barko, kahit wala akong idea kung ano ba talaga ang ginagawa sa barko. Haha. Habang tumatanda ako, nagkaroon ako ng specific goal — gusto ko sa oil tanker or basta may position sa barko.
Pero hindi ako nakapag-college, so nag-change of plan ako. Ang target ko na lang ay cruise ship, gagamitin ko yung experience ko sa hotel industry. Parang abot-kamay ko na yung pangarap ko noon, lalo na nung nakikita ko yung mga ka-work ko na isa-isang nakakasakay. Sabi ko sa sarili ko, “Ako na ang susunod kapag nag-apply ako.”
Not until the pandemic happened.
Fast forward today, land-based ako dito sa isang bansa na dati sinabi ko sa sarili ko na hindi ko pupuntahan kasi magulo daw. 🤣
But looking back now, ito pala ang naging bread and butter namin. And today I can say na mas comfortable at secure ang financial situation namin as a family while moving towards our goals and dreams.
This is just evidence na kahit anong plano natin minsan, iba ang plano ng Panginoon para sa atin.
It’s not rejection.
It’s redirection.
Trust Him, because He knows exactly what we need in life. Minsan hindi pa natin naiintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay o kung anong lesson ang makukuha natin sa mga pagsubok na kinakaharap natin.
But someday, you will look back and realize that God actually did you a favor.
Sometimes we just need to surrender our plans and actions to Him and trust His will.
Kaya kung nasa position ka ngayon sa buhay mo na hindi mo pinangarap, o napilitan kang baguhin ang plano mo dahil sa mga pangyayari — always remember, God has a reason for placing you there.
And one day, you will understand why.
📖 Proverbs 16:9
“In their hearts humans plan their course, but the Lord establishes their steps.”
Happy Sunday everyone. 🙌❤