01/11/2025
REALIDAD NG LAHAT NANG MABUBUHAY
NOV. 2 2025
ALL SOULS DAY
Araw ng KALULUWA
-BAWAT BUHAY NABUBUHAY AT MGA NABUHAY ay may KALULUWA
GENESIS 3:19
Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”
SA PANAHON NG BAWAT KAMATAYAN
1 Tesalonica 5:22-24
Magandang Balita Biblia
22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ANG ESPIRITU, KALULUWA at KATAWAN, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito.
↘️ Ang ating ESPIRITU (ang hininga at buhay) ay babalik sa DIYOS sapagkat sa kanya ito nagmula
*mangangaral12:7
Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating HININGA ay magbalik sa Diyos na may bigay nito.
↘️ Ang ating KATAWANG LUPA ay babalik sa lupa Kung saan ito nag mula *Gen. 3:19
↘️ Ang ating KALULUWA
(SOUL our 7 SENSES)
Kung namatay na ay nanatiling tulog at hinihintay ang pag tunog trupheta ng pagdagit ng Anak ng Diyos Para sa mga namatay alang-alang sa SALITA NG DIYOS
* 1 Corinto 15:52-55
Magandang Balita Biblia
52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. 53 Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay. 54 Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”