05/06/2026
✨📚 Brigada Eskwela 2026: Bayanihan para sa Edukasyon! 📚✨
Sa patuloy na pagpapakita ng malasakit sa komunidad at suporta sa edukasyon, ang Excellent Peoples Multi-Purpose Cooperative (EPMPC) ay buong pusong nakilahok sa Brigada Eskwela 2026 na may temang:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”
Noong Hunyo 1, 2026, nagbigay ang EPMPC ng mga cleaning materials sa Project 3 Elementary School at Tipas Elementary School bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Bukod dito, aktibo ring nakibahagi ang mga kinatawan ng EPMPC sa paglilinis at pagpipintura ng mga pasilidad ng paaralan upang makatulong sa paglikha ng mas maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Samantala, noong Hunyo 4, 2026, nagkaloob din ang EPMPC ng mga gamot at bitamina sa Taguig National High School at Tenement Elementary School upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang bawat donasyon, oras, at serbisyong inilaan ng EPMPC ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan, mas marami tayong magagawang kabutihan para sa ating mga paaralan at kabataan.
💙 Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Brigada Eskwela 2026!
Sama-sama nating ihanda ang mga paaralan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral.