14/05/2022
"Hindi mo mauunawaan ang ibig sabihin ng isang pagiging magulang hanggang hindi mo ito nararanasan!"
Yan ang palaging namumutawi sa labi ng aking nanay at tatay sa tuwing ako ay kanilang pinapangaralan. Ang dating sa akin dati nyan ay "weird" hindi nagsi-sink in, parang wala lang at talagang wala akong pakialam. Malay ko ba dyan, basta ako masaya ako ngayun, enjoy enjoy lang!
Ganito ang aking kaisipan nuong bata pa ako at palagay ko ito'y normal naman. Ang sermon ng aking nanay at tatay na paulit-ulit at parang sirang plaka ay isang palang paghahanda sa akin sa pagtatayo ng isang maayos na pamilya.
Maraming mga pagkakataon na tayong mga anak, hindi natin lubos na maunawaan kung ano ang mga sakripisyo, diskarte, sakit, pait, saya at ligaya na pinagdaanan at pinagdadaanan ng ating mga ama at ina, hanggang sa dumating na tayo naman ang nasa kinalalagyan nila.
At DITO NATIN MAS LUBOS na MAUUNAWAAN NA ANG PAGIGING MAGULANG AY ISANG SAGRADONG MISYON PALA!
ANG LAHAT NG MAYRUON KA AY HANDA MONG IBIGAY PARA SA IKABUBUTI NG IYONG MGA ANAK!
Kaya pala may mga magulang na talagang makikipagbakbakan at talagang:
IPAGLALABAN ang kanilang mga ANAK sa anumang PANGUNGUTYA ng IBA.
POPROTEKTAHAN ang kanilang mga ANAK at TITIISIN ang SAKIT MAILAYO lang ang mga ito sa PANGANIB!
Mama/Papa, Mommy/Daddy, Nanay/Tatay MARAMING SALAMAT SA INYO. Hindi mahalaga kung kayo man sa amin ay nagkulang at hindi naging perpekto.
Ang mga nagawa ninyo ay sapat na, in fact, sobra-sobra pa nga!
Ang tanging nais ninyo lamang ay mahulma kami sa isang buhay na matuwid at tama.
Palagi ninyo sanang tatandaan, napakalaking utang na loob namin sa inyo. Kulang ang isang buong araw para mapasalamatan namin kayo! Hindi sapat ang kahit anong mahal na regalo upang mapantayan ang lahat lahat ng inyong pagmamalasakit, pagtitiyaga at sakripisyo.
MAHAL NAMING MGA MAGULANG, WALANG MAKAKAPANTAY SA ALAY NA PAGMAMAHAL NINYO!
Ngayung kami naman ang nasa lugar ninyo, MAS LALO NAMIN NAUNAWAAN KUNG GAAANO KAWAGAS AT KADALISAY ANG PAGMAMAHAL NINYO!
Sana mapantayan din namin o mahigitan pa itong pag-ibig na ito habang pinapalaki namin ang inyong mga apo.
Patuloy ninyo kaming ipagdasal at gayundin kami sa inyo.
KUMPLETO AT BUO KAMI NG DAHIL SA INYO!
Mahal na mahal po namin kayo! β€οΈβ€οΈβ€οΈ
Lakay Pilipinas