24/08/2023
Agree ba kayo na more than 50% sa away ng mag-asawa, hindi naman yung issue ang pinagtataluhan. Nagsisimula din kadalasan ang conflict sa paraan ng ating pananalita.
Halimbawa:
"Sinabi ko nang patayin yung ilaw eh!"
Ganoon na lang kahalaga ang intonation na ating gamit sa ating relationships. Ano sa dalawa ang mas masarap pakinggan? ---
"Pag may natutulog, wag nga kayong maingay!"(Versus)
"Hon... 15-minute nap lang ako ha (shhh sign)."
"Bakit kasi di mo sinabi kaagad?"
(Versus)
"Next time Hon, makisabi na lang in advance..."
Nakakita ka na ba ng couple na hindi magkasundo sa pag-uusap? Hindi ba at hindi magandang tingnan?
Ilang paalala lamang para sa mapayapang pag-uusap:
1.) Huwag magsalita na parang naninisi.
2.) Be sensitive sa intonation o boses sa tuwing may nais sabihin. Be sensitive din sa damdamin ng kausap.
3.) Sanaying ngumiti sa tuwing nagsasalita. (yung kahit medyo getting annoyed ka na, sabayan ng smile para lighter ang mood ð)
4.) Iwasan ang paggamit ng salitang "nga" kahit na ito ang kasanayan ng marami. Yun tipong "Kumain na nga!" o "Di ba sinabi ko na nga???" ð