14/02/2019
NAG-IIPON ka? that's good...
Pero alam mo ba na may pwersa na legal na "NINANAKAW" ang halaga ng ipon mo?
Ang tawag dito ay inflation.
Ang INFLATION ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang inflation rate natin ngayong 2018 ay 6%.
Alam mo ba kung magkano ang interest na binibigay sa savings account?
0.25%
Basahin mo muli…
6% vs. 0.25%
Higit 20x ang bilis ng pastaas ng presyo ng bilihin kumpara sa paglago ng pera mo.
Kung nagtataka ka kung bakit kumokonti ang nabibili mo sa parehong halaga, ito ang rason. Ang paraan upang ma-solusyunan ito ay ang pag-iinvest.
NAG-IINVEST ka na? that's good...
Pero SOLID ba ang iyong Financial Foundation? Baka may investment ka nga pero wala kang Short-term and Long-term Healthcare, paano kapag nagkasakit ka? Saan ka kukuha ng panggastos? Sa Investment mo? Paano kung that time ay bagsak ang Market? Lugi ka na agad plus gumastos ka sa Hospital, LUGING-LUGI ka dun.
O kaya naman may Investment ka nga pero wala kang Life Protection or Life Insurance, paano nalang "IF YOU DIE TOO SOON"? Paano na ang maiiwang family natin? Makukuha ba nila ang investment mo? Ang sagot ay HINDI, subject to ESTATE TAX yan. Kailangang magbayad ng family ng estate tax bago nila makuha ang investments mo.
Halimbawa naman may Investment ka pero marami ka rin palang utang, ang masaklap pa doon ay mas MALAKI pa ang interest rate ng UTANG versus INVESTMENT. For example ay credit card debts, alam mo bang 3.5% ang interest rate nito per month? in 12 months or 1 year ay 42% ang interest rate nito. Samantalang yung investment natin ay swerte na kung pumalo ng average 12% per year.
At halimbawa namang may Investment ka pero wala kang emergency funds, paano nalang kung biglang tinangay ng malakas na hangin ang bubong niyo? Saan ka kukuha ng pangpaayos? Paano kung may nasirang appliances, paano kung mawalan ka ng trabaho? Paano kung di pa ganun kalaki ang kinita ng investments mo or paano kung di pa pala kumikita ang investments mo, ang malala ay paano kung negative pa pala ang investments mo?
Sa pag-BUILD ng isang SOLID FINANCIAL FOUNDATION, it should start from ground and up.
1. Healthcare
2. Life Insurance
3. Eliminate Debts
4. Emergency Funds
5. Investments
Pero ang pinaka-FOUNDATION talaga ay INCREASE YOUR CASH FLOW (reduce expenses and/or increase income). Balewala kung alam mo ang pagkakasunod ng healthcare, life insurance, eliminate debts, emergency funds at investments kung wala kang money na panglagay sa mga yan. :)
-CoachBryManingas
Para mas matuto ng mga stratehiya sa pag-iipon at pag-iinvest ng tama, nagkakaroon kami ng FREE Financial Coaching and Investment Class sa Makati every Tuesday, Thursday, Saturday and Sunday.
To REGISTER for free, just PM me.