22/03/2026
𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐗𝐄𝐑, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐁𝐀
CALAMBA, LAGUNA — Tikom ang bibig at nakaposas ang dalawang fixer matapos masakote sa isang ikinasang entrapment operation ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Laguna.
Ayon sa report, matagal nang nakakatanggap ng reklamo ang LTO kaugnay sa talamak na fixing activity sa lugar. Dahil dito, nagsumite ng liham ang pamunuan ng LTO Calabarzon sa pangunguna ni LTO Regional Director Elmer J. Decena, sa CIDG upang magsagawa ng masusing operasyon laban sa mga sangkot.
Sa isinagawang entrapment, nag alok ang dalawang fixer ng tulong sa pag rerehistro ng sasakyan kapalit ng karampatang halaga. Sa araw ng transakston ay agad inabot ng mga operitiba ang marked money at matapos tanggapin ito, ay agad silang dinampot ng mga awtoridad.
Sa ilalim ng pinaigting na kampanya kontra korapsyon ng administrasyon ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa gabay ni Department of Transportation Acting Secretary Atty, Giovanni Z. Lopez at pamumuno ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.
Ayon kay RD Decena:
“Hindi namin kukunsintihin ang anumang uri ng korapsyon sa loob at paligid ng aming tanggapan. Ang fixing ay malinaw na paglabag sa batas at panlilinlang sa publiko. Patuloy kaming makikipagtulungan sa CIDG at iba pang sangay ng gobyerno upang tuluyang mapuksa ang ganitong ilegal na gawain at masiguro ang maayos, mabilis, at tapat na serbisyo para sa bawat mamamayan. Walang puwang ang mga fixer sa kahit ano mang sangay ng pamahalaan.”
Sa huli, muling nagpaalala ang LTO sa publiko na huwag tangkilikin o makipag-ugnayan sa mga fixer dahil magiging sanhi lamang to ng pagkakaloko o di naman kaya ay sakit ng ulo.