21/05/2019
There are 2 ways to invest in the STOCK MARKET:
1.) Direct Investing
2.) Indirect Investing
Kapag Direct sa Stock Market ikaw ang Fund Manager at ikaw ang mag dedecide kung anong company ang bibilhin mo. Kunwari si PLDT 3,000 per share ngayon at ang minimum board lot nya ay 5 shares, so 5 x 3,000 is 15,000 pesos. Para makapag-invest ka sa PLDT ang need mo ay 15k. Now halimbawang bumagsak ang market at nag-withdraw/nagbenta ka ng shares lugi kana kasi isang company lang ang nabili mo, take note 15k isang company lang. At para maging succesful ang pag-iinvest Directly sa Stock Market kailangan mo ng tatlong bagay:
a.) Time
b.) Knowledge/Technical Analysis
c.) Big Capital
Sa Indirect naman ang tawag dun ay Mutual Funds, hindi ikaw ang magdedecide dito kung saan mag iinvest na company. May Professional Fund Manager na magma-manage ng pera natin. Example, ikaw may 5,000 pesos, ako may 100,000 pesos at yung friend mo may 1 milyon. Yung 5k, 100k at 1M pagsasamahin yan ng Fund Manager at ibibili ng maraming companies, minimum of 10 BIG Companies dahil malaki ang budget natin. Dun yan ilalagay ng Fund Manager na sa tingin nya ay matatag na company, let's say ang mga company ay SMDC, AyalaLand, DMCI, VistaLand, Globe, Meralco, Jollibee, GMA, ABS-CBN, PLDT. kunwari yan yung 10 BIG Companies. Let's say bumagsak si PLDT, ABS-CBN at MERALC0. Kunwari yung tatlo na yan ay nalugi, pero yung 7 na natirang company ay kumita. Still, kumita kapa rin. Take note 5k lang ang budget mo nakabili ng 10 companies versus sa 15k na direct investing pero 1 company lang nabili.
Bottom Line: Kung ikaw ay may Time, Technical Analysis at Malaking Capital, mag-invest ka direct sa Stock Market. Pero kung ikaw ay bago pa lang, wala pang idea tlga at di kalakihan ang capital, I suggest mag Mutual Funds ka muna and then kapag alam mo na pasikot-sikot ng Stock Market dun kna magsimulang mag-direct. 🙂
For more info, send a message
http://bit.ly/2LvLrlf
ctto