15/02/2022
"SINO MAS" Syndrome 🙈
E SINO MAS MAGALING?
Yan ang laging tinatanong sakin ni Faith...
Kasabay din ng..
“Sino mas maganda?”
“Sino mas maganda gawa?”
“Sino mas cute”
At kung ano-ano pang “Sino mas”.
Words of affirmation kasi ang love language ni Faith kaya somehow I understand her context. Alam kong she wants affirmation from us every single second (promise, literal yung every second) 😂 Pero minsan (or most of the time alam kong na-iinsecure sya)
To know more about love languages you may read my blog about that:
https://www.facebook.com/1421129201435289/posts/2295349934013207/?d=n
Di pa naman sila nagkakalayo ng edad ni Hope kaya halos pareho sila ng interest.
Pag nagkukulay sila, nagddrawing, kumakanta, sumasayaw, gumagawa ng gawing bahay, nagliligpit ng mga laruan kahit sa pagsusuklay ng buhok, lagi nya ko tinatanong kung sino ang MAS 😅
Nung isang araw after ng ballet class nila, pinanood namin yung video dito sa phone ko at nadinig ko na naman ang mahiwagang tanong na...
“E MOMMY SINO MAS MAGALING?”
Most of the time tayong mga thunders, unknowingly and unconsciously yan din ang laman ng puso natin. Di lang sinasabi ng bibig natin directly pero somehow it shows sa mga choices natin, sa mga posts natin sa social media, sa mga reactions... kumbaga nahahalata din na meron tayong “SINO MAS SYNDROME”.
Guilty din ako dito minsan. Kaya nung napaliwanagan ko si Faith about this, feeling ko napaliwanagan ko din ang sarili ko 😂
1. DON’T COMPARE
We don’t need to compare. Pwedeng magaling tayo sa isang bagay pero for sure sa ibang bagay olats tayo. Everybody needs somebody kasi lahat tayo may weaknesses (si Superman nga meron, tayo pa kaya).
Magkakaiba tayo ng galing.
Also kung bet natin ng miserable at bitter na buhay, go ahead and compare 😅 Di rin talaga tayo dapat magcompare kasi magkakaiba tayo ng context, magkakaiba tayo ng journey, magkakaiba tayo ng pinagdaanan at magkakaiba tayo ng fingerprint 😂
2. DON’T COMPETE
Sa panahon natin ngayon na lahat nalang pwedeng ipost sa social media, unconsciously nappressure tayo at nasstress na pantayan ang husay ng baby ng kumare natin, sinisikap nating mas maganda ang pagkaka-flatlay ng niluto nating ginisang ampalaya, pilit nating nilalampasan ang ‘woke up like this’ ni beshie, gusto natin yung meron sila meron ka din, yung narating nila, marating mo din, kung nakapagtayo sya ng business, dapat ikaw din kahit monkey business lang, kung libo na ang subscribers nya dapat ikaw milyon, yan at kung ano ano pang pakikipaghabulan.
Hindi masamang maghangad na umunlad, humusay, bumuti ang kalagayan sa buhay, gumanda at kung ano-ano pa pero wag sana maging motivated ng pride and selfishness. Make sure na wala tayong hidden agenda na mas maitim pa sa singit natin 😅
Mahalagang lagi nating chinecheck ang mga puso natin. Yes naniniwala ako sa healthy competition, walang problema dun pero kung ang buhay mo ay umiikot nalang sa pakikipag-kompitensya for the sake na masabing ikaw na ang MAS then magkakaproblema tayo dyan.
Wag na makipagkarera, di naman tayo kabayo. Wag na makipag-kompitensya kasi walang namang kabuhayan showcase na naghihintay 😅. Wag na makipag-pagalingan dahil mapapagod ka, mauubos lang oras at buhay mo kakafocus at kakalampas sa kakayanan ng ibang tao. Baka makalimutan nating ienjoy ang process, ang journey, ang relationships at ang bawat season ng buhay natin.
3. BE SECURED
Ano naman ngayon kung hindi ikaw yung hindi mas maganda, hindi mas magaling, hindi mas mayaman, hindi mas madaming followers, hindi mas talentado? Ikamamatay mo ba yun? Ikasisira ba yun ng buhay mo? Hindi ka na ba love ni Lord kung hindi ikaw ang pinakabibo?
Be secured. Nakakatakot yang insecurity. Maraming nasisira yan. Relationships, integrity, minsan pati sarili nating buhay sinisira nyan. Kaya wag nating hayaang kainin tayo ng insecurities natin.
Be secured sa pagmamahal ng Dios sayo. Be secured sa plano Niya sa buhay mo. Be secured sa mga promises Niya sayo. Be secured sa Kanya.
Yes 5 years old palang si Faith pero namamantsahan na yung puso nya ng mga insecurities. Naku dapat talaga binabantayan natin ang mga bagets natin. Baka di natin namamalayan nagpapalaki pala tayo ng batang may “SINO MAS SYNDROME”.
Remember parents, our children is our relfection. Kaya naman as her parent, we need to shepherd her heart. Hindi dapat pinapalampas yung mga ganito. Ayaw naming lumaki siya na selfish, insecure at resentful.
As young as they are we need to build her foundation and make sure that her identity is in Christ. We need to secure her and make her feel that we love and accept her no matter what and regardless. Na hindi nya kailangang magperform at maging achiever para mahalin sya ni Lord at namin.
Reality check din ito sa akin bilang Nanay. Sana sayo din 😊
So pano? Say goodbye na to “SINO MAS SYNDROME” 😎