IMG Sipalay

IMG Sipalay "Financial Education is not just for the wealthy it's for everyone."

RETIREMENT CRISIS!Saan nyo po ba gustong mapabilang sa apat na scenario na iyan?Lahat gusto doon sa 2% ang retirement, p...
31/05/2026

RETIREMENT CRISIS!

Saan nyo po ba gustong mapabilang sa apat na scenario na iyan?

Lahat gusto doon sa 2% ang retirement, pero bakit kaya 2% lang sila, dahil hindi naman lahat nagpaplano, hindi lahat ng nangangarap ay gumawa ng aksyon...

Mag ipon at mag invest ng paunti-unti habang malakas pa, habang kaya pang magtrabaho para may passive income pag tumanda na tayo.

Create Investments na mag gigenerate ng passive income na kaya tayong buhayin, kayang tustusan ang ating mga pangunahin pangangailangan, like pagkain, pampagamot, pangpaospital para sa ganon hindi naman po ang mga anak ang magkanda utang-utang para sa pagpapagamot natin at pangpaospital...

Sa araw-araw na lumilipas hindi po tayo pabata ng pabata kundi patanda ng patanda, unti unti nang pumuputi ang ating buhok at kumukulobot ang ating balat, nanghihina ang katawan, unti-unting lumalabas ang mga sakit-sakit...tanong kapag naging ugod-ugod ka naba may source of passive income ka na bang tutustos sa pangangailangan mo sa araw-araw?

Remember: plan early while your young and able because the biggest pain in life is "REGRET".

!
!

27/05/2026
22/05/2026

Financial Education is not just for the wealthy.
It is for every Filipino family dreaming of a better future. đź’™

See you at the biggest and grandest gathering of Filipino Financial Educators in the Philippines—

IMG Convention of Champions 2026
June 7, 2026



International Marketing Group - IMG

See you IMG Family đź«¶
08/05/2026

See you IMG Family đź«¶

Sharing knowledge is Caring. Financial Education isn't an option. It's a necessity.
13/04/2026

Sharing knowledge is Caring. Financial Education isn't an option. It's a necessity.

  para sa buhay pinansyalLagi nating sinasabi na kung nais natin ng pagbabago, kailangan lang din nating gumawa ng bago....
17/02/2026

para sa buhay pinansyal

Lagi nating sinasabi na kung nais natin ng pagbabago, kailangan lang din nating gumawa ng bago. Mga bagong bagay o gawain na magpapabago sa estado ng ating buhay.

Kung hirap ka sa buhay ngayon, gumawa ka ng aksyon na mag-aahon sa 'yo sa kahirapan.

Kung kulang ang iyong sweldo sa pang-araw araw na gastusin, gumawa ng paraan upang madagdagan ang iyong kinikita.

Kung kulang ang iyong kaalaman ukol sa usaping pinansyal, magbasa ng mga libro, bumisita sa mga blog sites o dumalo sa mga seminar ukol dito.

Ang kapalaran natin ay nasa ating mga kamay. Kung anuman ang nangyayari sa atin ngayon, yan ay resulta lamang ng mga bagay na ginawa natin kahapon. Kaya kung nais natin ng magandang bukas para sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay, marapat lang na gumawa tayo ng aksyon na makakapag-paganda ng ating kinabukasan.

Kung patuloy lamang nating gagawin ang palagi nating ginagawa, malamang ay paulit-ulit lang din ang mangyayari sa atin. Kung di ka pa rin gagawa ng aksyon, di ka pa rin makakaalis sa kinalalagyan mo ngayon. Ika nga ni Albert Einstein, “Insanity is doing the same thing over and over again and expecting different results.”

Narito ang ilang mga tips na makakatulong sa atin para maisaayos ang ating buhay-pinansyal.

1.) Mamuhay ng simple.

Iwasan ang “Fiesta” mentality. Hindi porke maraming handa ang kapitbahay mo, eh maghahanda ka na rin ng bongga?! Ika nga sa kanta” Simpleng buhay ay kayganda…” Huwag mamuhay ng magarbo kung hindi naman kaya ng bulsa. Unahin ang mga bagay na kailangan (Needs) kaysa sa mga mga bagay na gusto mo lang (Wants).

2.) Planuhin ang iyong pananalapi.

Magplano! Ito ang pinakamabisang paraan kung nais mo ng magandang buhay sa kasalukuyan at sa kinabukasan. Matutong mag-budget, magimpok at mag-invest. Pagkatanggap ng sweldo, unahing bayaran ang sarili sa pamamagitan ng pag-iipon at pagiinvest bago pa man ang anumang gastusin. Sabi nga ng mga financial experts, “Pay yourself first”.

3.) Huwag gumastos ng higit sa kinikita.

Ito ang bagay na madalas nating nakakalimutan o ipinagsasawalang-bahala. Hindi tayo dapat gumastos ng higit pa sa ating kinikita, dahil “Utang” ang kalalabasan nito. Naalala mo pa ba ang kwento ng tsinoy businessman? (kung hindi pa, basahin mo dito). Dapat na “kumukurot” lamang tayo kapag gumagastos at hindi “dumadakot” at lalong hindi “umuutang” para lang ipambili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan.

4.) Kung may utang, bayaran sa lalong madaling panahon.

Upang hindi mabaon sa utang, i-priority ang pagbayad nito sa lalong madaling panahon. Unahin ang mga utang na may malaking interes kaysa sa maliit na interes. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay hindi lamang nakakaapekto sa ating buhay-pinansyal, kundi pati na rin sa ating relasyon sa ibang tao. Nababawasan ang tiwala nila sa atin kung hindi tayo makakapagbayad sa araw na ipinangako natin sa kanila.

5.) I-monitor ang paggastos.

Mainam na namomonitor natin ang ating pag-gastos. Kapag ginagawa natin ito, mas nakokontrol natin ang ating pera, dahil nakikita natin kung saan ito napupunta. Sa ganitong paraan din, mas mapa-prioritize natin ang mga bagay na talagang kailangang pagkagastusan. Makakatulong din kung ililista natin ang mga kailangang bilhin bago pumunta sa grocery o tindahan.

6.) Bumuo ng Emergency Fund.

May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan, kaya maigi ng maging handa sa lahat ng oras. Kaya naman ipinapayo na bumuo ng tinatawag na Emergency Fund upang mayroon tayong madudukot sa oras ng pangangailangan gaya ng pagkawala ng trabaho o pagkakasakit ng ating mahal sa buhay.

7.) Kumuha ng Insurance.

Madalas na hindi ito nabibigyan ng ibayong pansin ng maraming pamilyang Pinoy ngunit napakahalaga ng bagay na ito. Ang Insurance (life & non-life) ay isa sa pundasyon upang maging matatag ang ating buhay-pinansyal. Bukod sa Emergency Fund, kailangan din natin ng insurance upang mabigyan ng proteksyon ang ating pamilya gayundin ang ating mga ari-arian kapag kinuha na tayo ni Lord (huwag muna sana.

8.) Magdagdag ng extrang pagkakakitaan.

Kung ang ating sweldo ay hindi sapat para tayo ay makapag-ipon, mainam na magdagdag ng extrang pagkakakitaan bukod sa ating trabaho upang mas lalong mapabilis ang paglago ng ating pinansyal. Sa panahon ngayon, hindi mo na kailangang lumabas ng bahay para magkaroon ng extra income, dahil nariyan na mga oportunidad na kung saan pwede kang kumita online gamit ang computer at internet connection. Gaya ng blogging, online teaching, etc.

9.) Mag-invest sa Stocks, Mutual fund o UITF (Retirement Fund).

Sa buhay ng tao, dalawang bagay lamang ang pwedeng mangyari, una, maaga tayong mawawala sa mundo (kaya kailangan natin ng insurance para sa ganitong senaryo), pangalawa, mabuhay pa tayo ng matagal sa mundo, dito papasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Retirement Fund sa pamamagitan ng pag-iinvest sa Stock Market, Mutual Fund, UITF o iba pang investment instruments na makakapagpalago ng ating kaperahan sa paglipas ng panahon. Tandaan natin, na kapag tayo ay nagretiro, wala na tayong income na inaasahan at di natin pwedeng iasa na lang ang lahat sa ating mga anak dahil sila rin mismo ay may problemang pinansyal.

10.) Magbahagi sa simbahan o charitable institution.

Ang pinakaimportanteng investment sa lahat. ;)

Maglaan ng ilang bahagi ng ating kinikita bilang “tithing” o handog natin bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang ating natatanggap. Ang lahat ng ito ay utang natin sa kanya, kaya marapat lamang na ibalik natin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating mga blessings sa simbahan o sa mga charitable institution. Hindi lamang pera ang maaari nating ibahagi sa iba, maari rin tayong tumulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating kaalaman, talento at lakas na ikabubuti ng ating kapwa o ng ating pamayanan.



A gentle reminder Kabayan...Mahirap maging poor good!
27/01/2026

A gentle reminder Kabayan...
Mahirap maging poor good!

Bakit Kailangan mag ipon? dahil pag wala tayong ipon dalawa lang pupuntahan natin "Mangutang or Manghingi." Kung gusto m...
27/01/2026

Bakit Kailangan mag ipon?
dahil pag wala tayong ipon dalawa lang pupuntahan natin "Mangutang or Manghingi."

Kung gusto mo may pagbabago yan ay magsimula sayo kabayan.
Decide now! Balang araw pasalamatan mo rin ang iyong sarili pag nagawa mo ito.
Think about it!
DIY.

Mangutang =Stress
Manghingi = nakakahiya lalo na kumpleto tayo ng kamay at paa.




Address

PUROK Baguisan, Brgy. Nauhang
Sipalay
6113

Website

https://110201hk.imgcorp.com/linkbio

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IMG Sipalay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share