Premier Mutual Fund in the Philippines

Premier Mutual Fund in the Philippines Our mission is to help you to reach your financial goals. Aside from offering you sound advice about which mutual fund is best-suited for you.

11/02/2016

COMMENT kung anong ginagawa mo kabaro?

11/02/2016

"GAWING ALKANSIYA ANG STOCK MARKET."

Mahigit 20 taon na rin akong nag-iipon sa bangko at talaga naman na magandang maglagay ng perang pinaghirapan dahil panatag ang loob natin na kikita ito ng sigurado ngunit nalaman ko na nalulugi pala ako kapag dito ko lang ilalagay ang pera ko sa mahabang panahon.

Dahil sa mga natutunan ko sa pagpunta sa mga pang-pinansyal na training, pagbabasa ng mga libro tungkol sa pagpapayaman at kasalamuha ang mga tunay na mayayaman na tao ay nagbago ang aking pananaw sa buhay para maibahagi ko ang aking karunungang pinansyal sa aking mga kababayan.

Sa totoo lang, gustung gusto ko na mag-ipon sa bangko pero napag-alaman ko na ginagamit pala ang pera ko ng bangko sa pamamagitan ng LENDING: pagpapautang sa gustong makabili ng sasakyan, bahay o sa pagsisimula ng negosyo. Ginagamit din pala ito sa sa INVESTING sa mga bonds at stock market.

Ang kitang tinanggap ng bangko sa pamamagitan ng pagpapautang at pamumuhunan ay sapat para mabayaran ng sigurado ang mga nagSAVING ng pera o kaya nag TIME DEPOSIT. Ang maganda lang naman dito ay sila humawak ng RISK para masigurado na kikita sila ng mas malaki sa mga ginawa.

Pero ang masakit na katotohonan ay nalulugi ako dahil taun-taon ay tumataas ang bilihin sa Pilipinas dahil sa INFLATION. Kaya kung nag-ipon ako sa bangko na garantisadong kumikita ng 0.25% bawat taon at ang pagtaas ng bilihin naman ay nasa 5% bawat taon, ang katumbas ng pera ko pagkatapos ng isang taon ay -4.75% na, lugi pa pala ako!

Totoo pala talagang SAVERS ay LOSERS kapag nasa bangko lang ang pera ko.

Kaya kung gusto ko kumita ng mas malaki ang pinaghirapang pera ko ay simple lang ang gagawin ko, gawin ko lang ang ginagawa ng bangko sa pamamagitan ng LENDING at INVESTING. Pero dahil ako ay walang BUSINESS PERMIT sa pagpapautang kung walang registro sa DTI o SEC ay hindi ko ito puwedeng gawin. Kaya ang mamumuhunan na lang ako.

Ang pamumuhunan sa BONDS o STOCK MARKET ang puwede kong gawin. Dahil sa nangangailangan ng malaking halaga sa pamumuhunan sa BONDS ng mga malalaking kumpanya sa Pilipinas o proyekto ng gobyerno ay hindi ko ito magagawa. Kaya ang pamumuhunan sa STOCK MARKET ang solusyon na aking gagawin dahil sa halagang 5,000 piso lang ay puwede na pala ako magsimula dito.

Ang mga baguhan sa Stock Market ay puwedeng direkta o hindi-direkta mamuhunan dito. Kung DIRECT ako na gustong pumasok dito ay magbukas lang ako sa isang ONLINE STOCK BROKER na bibili ng SHARES sa isang malaking kumpanya. Kung INDIRECT naman ay pwede ito sa pamamagitan ng Mutual Funds (MF), Unit Investment Trust Funds (UITF) o Variable Universal Life Insurance (VUL).

Ang pagkita sa Stock Market ay hindi sigurado pero sa mga nakalipas na taon na pamumuhunan ay garantisado na mas malaki ang pwede nitong kitahin keysa sa pag-iipon sa bangko at sa pagtaas ng mga bilihin.

Ang salitang STOCK ay mga malalaking kumpanya sa PIlipinas katulad ng nasa litrato kaya mamili ka kung anong kumpanya ang gusto mo bilihin para maging isa ka na rin na SHAREHOLDER nito. Sa halagang 5,000 piso ay puwede ka na magsimula dito, usap tayo.

"GAWING ALKANSIYA ANG STOCK MARKET." - Engr. Arjay Magpantay, ECE, CIS

08/02/2016

SHARE kung anong investment gusto mo simulan kabaro?

Address

Santa Rosa
4026

Telephone

+639219809173

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Premier Mutual Fund in the Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share