31/05/2021
Two Kinds of Old Age
Two kinds of old age. Ano ang pagkakaiba? Obviously, si Katandaan No. 1 ay pinagtatabuyan, at si Katandaan No. 2 ay pinag-aagawan.
Two Kinds of Old AgeBakit kaya? Hmmm… pag-isipan mong mabuti ang tanong na ito: Pagtanda mo, pag-aagawan ka kaya o ipagtatabuyan ng mga kamag-anak mo?
Ito ang masakit sa lahat. Wala ka ng pera, masama pa ang loob mo. ‘Di ba, ang mga matatanda, maramdamin na (sensitive ba ga)?
Sabi sa amin ng mga tatay at nanay, “Hindi mangyayari sa akin iyan dahil mahal ako ng mga anak ko.” Assuming mahal ka ng mga anak mo, mahal ka naman kaya ng manugang mo? Problema po ‘yan.
For example, mayroon ka nang sariling pamilya at humingi ng pera ang tatay mo pambili ng gamot, bibigyan mo ba? Eh, paano kapag ang humingi ay biyenan mo, bibigyan mo ba? Eh, paano kapag parehong nangailangan ang anak mo at mga magulang mo, eh sapat lang ang pera mo para tumulong sa isa, sino ang uunahin mo, anak o magulang? Nangyayari ba ‘yan? Yes! Problema ‘yan.
Eto ang masakit: Magulang ka, nangailangan ka, hindi ka binigyan ng anak mo. Tapos, biglang maaalala mo noong bata pa siya… nang isilang ka sa mundong ito… naalala mo lahat ng hirap mo, lahat ng pasakit, dahil lang sa walang-hiyang anak na iyan. Ano, iiyak ka na lang?
Mali ba ang ginawa ng anak mo na hindi ka niya nabigyan? Masakit talaga ‘yan, at nangyayari iyan araw-araw. So what is the best thing to do para hindi ito mangyari? Paghandaan ang iyong katandaan. Siguraduhin mo na pagtanda mo, pag-aagawan ka nila at hindi ka nila ipagtatabuyan. And for that to happen, you should prepare for your future.
Alam mo ba kung bakit ang mga mayayaman ay payaman nang payaman, at ang mahirap ay pahirap nang pahirap?
Kasi maraming mahihirap, hindi pinaghahandaan ang kinabukasan. Ang mayayaman, pinaghahandaan ang kinabukasan. Kapag ang mayaman, namatay, mas yumayaman lalo sila. ‘Pag ang mahirap namatay, lalong naghihirap. Paanong nangyari iyon?
Namatay ang isang mayaman. Sinong mayaman ang walang insurance? Bihira. Halos lahat ng mayaman, may insurance. Pinaghahandaan nila ‘yan. Kaya kapag namatay ang isang mayaman, may P10 milyon ang pamilya niya.
‘Yung mahirap, hindi kumuha ng insurance, kasi nga mahirap. ‘Pag nilapitan siya ng insurance agent, sasabihin, “Naku, huwag nating pag-usapan ‘yan. Matagal pa ‘kong mamamatay.” ‘Pag kinausap mo ang isang mayaman tungkol sa insurance, kakausapin ka. Kausapin ninyo ang isang mahirap, ‘di kayo papansinin.
Now, namatay ‘yung mahirap. Anong mangyayari? Pampalibing pa lang, uutangin na. So ngayon, pagpapalibing pa lang, maghihirap na sila. Wala pa iyong paglilibingan at nitso. Kaya lalong naghihirap, kasi hindi pinaghandaan. Eto ang problema: Lahat tayo mamamatay. Ito ang isang bagay na kailangan nating tanggapin. It will happen.
Now, when it happens, are you ready? Iyon ang punto ko, kaya dapat paghandaan natin. Para kapag namatay ka, alam mong hindi maghihirap ang mga iiwan mo. It’s better for us to talk about this today!
(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kontento ka na ba sa kaPERAhan mo?” available in National Bookstore, Powerbooks, Fullybooked, OMF and other leading bookstores nationwide. Also available in Unleash International Bookstore)