26/02/2024
Nilagdaan na ni Pres. Bongbong Marcos bilang batas ang Republic Act No. 11982 o ang panukalang palawakin ang sakop ng Centenarians Act of 2016 ngayong Lunes, Feb. 26. Sa ilalim ng expanded Centenarian Act, makatatanggap ng P10,000 cash incentive ang ating mga senior citizen na naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95. P100,000 naman ang matatanggap ng mga aabot sa edad na 100.