03/07/2024
Sa totoo lang, kung ang mindset mo about insurance ay something na binabayaran para lang pagmamatay ay may makuhang pera, malaki ang chance na madiscourage kang manguha talaga.
Bakit? Kasi iisipin mo na hindi mo naman na kailangan ng pera once mamatay ka. Well, that is true naman lalo na kung sarili mo lang iniisip mo. 😄😅
Pero, hindi bat nagwowork ka ngayon hindi lang naman for you but for your family also? Para sa needs nyo araw-araw, para sa pag-aaral ng mga anak mo, at para sa mga darating na okasyon at travel goals nyo.
Minsan nga ayaw mo pang mag day-off kasi sabi mo sayang naman ang sahod.
So, kung sa isa o dalawang araw na walang sahod ay nanghihinayang ka, what more nalang sa mga panahon na hindi ka na talaga makapagprovide para sa family mo?
Hahayaan mo nalang ba na dumating ka sa time na nagsisisi ka nalang?
Alam mo ba na sa panahon na hindi ka na makapagtrabaho dahil nadiagnose ka na may critical illness o di kaya'y nadisable ka, ay kayang saluhin ng insurance policy mo ung responsibilidad mo na makapagprovide ng income sa family mo?
Oo, maaaring hindi mo kailanganin ang insurance, pero ang pamilya mo na umaasa sa income mo, kailangan nila yun lalo na kung tuluyan ka nang mawala. 🥰