17/06/2026
Okay so gusto mo na mag-EV.
Valid naman IN THIS ECONOMY.
Mahal na ang mga bilihin, mahal na ang gasolina, tapos may mga nagse-sell ng EV ngayon na hindi na kasing mahal ng dati.
Pero before ka mag-visit ng showroom o mag-Google ng "best EV Philippines 2026".
Tanungin mo muna ang sarili mo ng isang bagay.
Ready ba ang bahay mo?
Kasi ito yung hindi sinasabi ng mga EV ads sa'yo.
Ang kotse lang ang ina-advertise hindi yung buong lifestyle change na kasama sa pag own ng EV.
So, honest check muna tayo.
π QUESTION 1:
Anong type ng electrical outlet ang nasa garage o parking mo?
Kung regular na 220V outlet lang kaya mo pa ring mag-charge. Pero matagal. Mga 8β12 hours para sa full charge, depending on your EV model.
Kung gusto mo ng mas mabilis, kailangan mo ng dedicated Level 2 charger. At dito pumapasok ang hindi sinasabi ng dealership:
Ang home charger installation hardware at labor combined typically nasa β±20,000 to β±50,000 sa Metro Manila area.
Iyon ay para sa standard 7kW wall box na within 15 meters away from the main circuit breaker mo.
Tip: Kung ang EV dealership mo ay may in-house installation package minsan around β±35,000 na kasama na ang wall box at wiring.
It is worth asking bago ka mag-hire ng separate electrician. Hindi ito dealbreaker basta alam mo lang na may gagastusin ka pa bukod sa kotse mismo.
π QUESTION 2:
Kaya ba ng electrical system ng bahay mo?
Ito yung madalas na hindi naiisip.
Ang EV charger, lalo na yung Level 2, ay nag-a-add ng significant load sa electrical system mo.
Kung medyo matagal na ang bahay mo o hindi pa na-upgrade ang circuit breaker, possible na kailangan mo ng electrical upgrade muna bago mag-install ng charger.
Magpa-check sa licensed electrician bago ka mag-commit. Mas okay malaman ngayon kaysa may problema in the future. Seriously, huwag laktawan ito.
π QUESTION 3:
May dedicated parking ka ba?
Ito yung reality check para sa mga street parking, condo at apartment dwellers.
Kung shared parking o hindi ka guaranteed ng fixed parking spot mahirap mag-set up ng home charger.
Kailangan mo ng consistent na spot na sa'yo lang para may charging access ka every night.
Kung wala, reliant ka sa public charging stations.
Hindi imposible pero kailangan mong malaman kung saan ang pinakamalapit sa daily route mo.
Mag-research muna bago mag-decide. Or better yet, huwag umasa sa mga public charging.
π QUESTION 4:
Handa ka bang mag-adjust ng routine?
Hindi ito technical pero ito yung pinaka-underrated na adjustment. Sa gasolina, pag mababa na, nagpapa-gas na agad ng full tank ilang minuto lang.
Sa EV ang "gas station" mo ay ang bahay mo.
Plug in every night. Wake up, full na.
Para sa karamihan ng tao mas convenient ito in the long run. Pero kailangan ng bagong habit.
At kung minsan nakalimot kang mag-plug in, βyan yung magiging problema mo kinabukasan.
Honest take lang, mas tipid ang EV per km compared to gas. Pero ang savings na iyon ay dahan-dahan mong mararamdaman over time, hindi overnight.
So kung expecting kang mabawi agad ang cost ng charger installation, realistic expectations lang muna tayo.
Kung nasagot mo lahat ng questions na 'to at okay ka, then yes.
Ready ka na mag-explore ng EV seriously.
At kapag nag-decide ka na at nakabili ka na.
Huwag kalimutang kumuha ng Standard Insurance EVantage namin. (Siyempre naman, post namin 'to. Pero seriously maraming advantage and Standard EVantage. Hahaha!) π€£
Specifically built para sa EV owners ito.
Pero iyan, next topic na natin. π
Hope this helps.
π Share this post para makatulong din sa ibang EV OWNER BEGINNER GUIDE.
Ingat sa byahe!