31/05/2026
Insurance Claim, Napakatagal
Voluntary Surrender ko na lang po sa Bangko
Super Stress na..
Hindi po tatanggapin ng bangko ang sirang sasakyan, maigeng antayin mo ma lamg po ang proceed ng insurance Claim, tama din na habang inaantay ang claim at update paid ka rin sa monthly amortization mo
about sa claim mo na napakatagal, malinaw po ito base sa Insurance Code (RA 10607) at rules ng Insurance Commission
KAILAN DAPAT IBIGAY / BAYARAN ANG CLAIM?
(May reference number na — ibig sabihin tinanggap na at nasa proseso na)
Kung kumpleto na ang lahat ng papel at nasuri na:
30 ARAW lang dapat ibigay/bayaran mula nung tinanggap nila ang lahat ng dokumento at nalaman na kung magkano ang ibibigay.
Kung inaayos pa o inaalam pa ang halaga:
Hanggang 90 ARAW mula nung nag-file kayo o nung binigay niyo lahat ng papel — pasok sa batas yan, bawal lumampas pa dyan .
Basehan: Sec. 248 Insurance Code — hindi pwedeng higit sa 90 araw kapag kumpleto na ang inyong piyesa at patunay. Kapag lumampas, may karapatan kayong humingi ng INTEREST (doble ng normal na tubo) at danyos.
KAILAN KAYO PWEDE MAGREKLAMO SA INSURANCE COMMISSION?
1. Kapag lumampas na ng 90 ARAW mula nung ibinigay niyo lahat ng kailangan — pwede na agad magreklamo .
2. Kahit wala pang 90 araw pero matagal nang walang sagot, palaging sinasabi "hintay lang", o nagpapapirma na ng quit claim bago ibigay — pwede na rin kayong dumulog dahil labag ito sa "unfair claims practice".
3. Kapag tinanggihan nila at may sulat na hindi sila magbabayad — loob ng 1 TAON mula sa pagtanggi nila ay dapat niyo nang ireklamo o isampa sa korte, kung hindi, mawawalan na kayo ng karapatan .
DADALHIN / IPAPASA SA INSURANCE COMMISSION:
1. Liham reklamo: Pangalan niyo, address, contact, pangalan ng insurance, policy no., Reference Number ng Claim, kwento kung kailan nag-file, kailan nagbigay ng papel, at bakit galit/nagreklamo kayo.
2. Kopya ng: Policy, Resibo ng bayad, Claim Form, Reference Number / Acknowledgement, lahat ng chat, text, sulat, at patunay na kumpleto na ang binigay niyo.
3. Valid ID niyo (Original + photocopy).
Saan ipapasa:
Head Office: Insurance Commission, 1071 United Nations Ave., Ermita, Manila
Email: [email protected]
Online: ic.gov.ph (e-complaints portal)
GAGAWIN NIYO AGAD:
1. I-send ito sa insurance:
"Sir/Ma’am, may reference no. po kami: ________. Nung [PETSA] po kami nagpasa ng kumpletong dokumento. Lagpas na po sa 30/90 araw, wala pa rin po. Pakibigay po ang bayad o sulat kung bakit hindi pa, kung hindi po, mapipilitan po kaming magreklamo na sa Insurance Commission."
2. Kung wala pa rin sa loob ng 7–10 araw matapos niyo ito sabihin — magreklamo na kayo sa IC. Libre lang po ito at sila ang magpipilit sa insurance na sumagot at magbayad.