31/08/2022
ingat po ang lahat sa habagatβ¦ praying for our safety everyone ππΌ
RARE "FUJIWHARA EFFECT" o pagsasanib ng dalawang bagyo, magaganap kay SUPER TYPHOON at Tropical Depression .
Sa ngayon ay may kaliitan ang dala-dalang mga kaulapan ng SUPER TYPHOON HINNAMNOR ngunit sa paghigop nito sa mas mahinang bagyong si GARDO, inaasahang lalapad at lalakas pa ang SUPER TYPHOON na tawagin na rin nating si HENRY at magiging isa na lamang na bagyo sa loob ng PAR.
Dahil sa inaasahang paglapad at paglakas ng bagyo, paghandaan din ang kaakibat na malalakas na mga pag-ulang dala ng palalakasin nitong HABAGAT na inaasahang magdudulot din ng malawakang mga pagbaha at mga pagguho ng lupa.
β Paghandaan po ang banta ng HABAGAT kahit hindi inaasahang tatama ang bagyo sa ating bansa.