25/03/2025
Magandang balita!
Simula Marso 28, 2025, ang Common Wealth Rural Bank, Inc. ay isa nang Currency Exchange Center (CEC) sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang mga unfit at mute na pera ay maaari ninyong ipapalit sa lahat ng branches ng aming bangko tuwing Huwebes, mula 11:00AM - 2:00PM.
Para sa mga sira-sirang salaping papel o mutilated banknotes, ito ay maaaring papalitan ng BSP kung ang lahat ng mga kondisyon ay matutugunan:
1. Maituturing unfit ang perang papel at polymer kung ito ay marumi, lupaypay, may mantsa, kupas ang imprenta, o may sulat o marka. Maituturing mutilated ang perang papel at polymer kung ito ay nasira dahil nasunog, napunit, nabutas, o nawalan ng bahagi dulot ng mga insekto, kemikal, matinding init (tulad ng apoy), o iba pang sanhi.
2. Maituturing unfit ang barya kung ito ay nakayupi, balikuko, marumi, o kinakalawang ngunit matutukoy pa rin ang genuineness o pagiging tunay nito at ang denominasyon. Ang barya ay maituturing mutilated kung hindi na klarong matutukoy ang genuineness o denominasyon nito dahil sa pagkasunog, pangangalawang, pagkaskas, pagtabas, o pagkakaroon ng butas.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://tinyurl.com/ypy5hpev
Common Wealth Rural Bank Inc. is regulated by Bangko Sentral ng Pilipinas.