18/05/2026
Recently, ipinasara ng Insurance Commission (IC) ang dalawang insurance agencies (Vigattin Insurance at Antz Insurance) dahil sa illegal operations at kawalan ng tamang lisensya. Nakakatakot ito para sa mga nagbabayad. Pero paano kung isa ka sa mga kliyente nila?
📌 The Law (Insurance Code & IC Regulations):
Kapag nahuling walang lisensya ang isang ahente o ahensya, ang validity ng policy mo ay nakadepende kung saan napunta ang pera mo:
Good Scenario: Kung ang ahensya ay naging "middleman" lang at ang premiums mo ay opisyal na naipasok (remitted) sa isang legit at lisesyadong Life Insurance Company (tulad ng Sun Life, AIA, Pru, etc.), BUHAY ang policy mo. Makaka-claim ka pa rin directly sa main insurance company dahil sila ang may hawak ng kontrata mo, hindi ang ahente.
Bad Scenario: Kung ang inisyung kontrata sa'yo ay gawa-gawa lang ng ahensya at ibinulsa nila ang premiums mo, WALANG CLAIM.
Fact:
Under the law, agents are fiduciaries—they hold your money in trust. Ang mandate ng Insurance Commission sa pagpapasara ng mga ganitong ahensya ay para protektahan ang pondo ng publiko bago pa ito tuluyang mawala.
Lesson:
Huwag lang magtiwala sa magandang website o mabait na ahente. Make sure na ang resibong natatanggap mo ay galing mismo sa life insurance company at hindi sa personal account ng ahente o third-party agency.