10/04/2026
“Hindi pera ang solusyon sa kahirapan.”
Alam ko ang iniisip mo.
“Kung may pera lang ako,
aayos na lahat.”
Valid yan.
Kasi ramdam mo araw-araw
kung gaano kahirap kapag kulang.
Bills na hindi matapos.
Pangangailangan na hindi mabili.
Pagod na parang walang kapalit.
Kaya natural lang
na isipin mong pera ang sagot.
Pero eto yung hindi agad napapansin…
May mga taong kumikita na,
pero baon pa rin.
May sweldo.
May sideline.
Pero walang naiipon.
Bakit?
Kasi kahit may pera na…
pareho pa rin ang galaw.
Pareho pa rin ang habits.
Pareho pa rin ang mindset.
Kaya pareho pa rin ang ending.
Pera helps.
Malaking tulong siya.
Pero hindi siya sapat
kung hindi mo alam kung paano hawakan.
Kasi ang pera…
sumusunod yan
sa taong marunong gumamit nito.
Kung wala kang sistema,
mauubos yan.
Kung wala kang disiplina,
lilipas lang yan.
Kung wala kang direction,
iikot lang yan pabalik sa dati.
Kaya may mga taong
maliit ang kita…
pero umaangat.
At may mga malalaki ang kita…
pero stuck pa rin.
Hindi dahil sa halaga ng pera.
Dahil sa paraan ng paggamit.
Kaya kung gusto mong maka-ahon…
hindi lang dagdag kita
ang kailangan mo.
Kailangan mong ayusin
kung paano ka mag-isip,
kung paano ka mag-desisyon,
kung paano ka gumalaw araw-araw.
Dun nagbabago ang trajectory.
Kasi ang tunay na pag-asenso
hindi nagsisimula sa wallet.
Nagsisimula siya
sa tao.
Kapag inayos mo ang sarili mo…
susunod ang pera.
Kung may nakuha kang insight na tumatak sayo,
message me!