06/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa CEO ng ACCU Thailand, si Ma’am Elenita V. San Roque, sa kanyang pagbisita sa NEC Multi-Purpose Cooperative – Cubao Branch.
Ang inyong presensya ay nagdulot ng malaking karangalan at kagalakan sa aming samahan. At ang inyong patuloy na suporta at inspirasyon ay nagsisilbing gabay upang lalo pa naming mapahusay ang aming serbisyo sa aming mga miyembro at sa komunidad.
Maraming salamat po sa inyong oras, tiwala, at malasakit sa patuloy na pag-unlad ng kooperatiba.
Mabuhay po kayo at ang ACCU Thailand! 💙