08/11/2025
💡 Did You Know?
You still owe the bank — even if your car is wrecked or lubog sa baha.
Kapag may car loan ka, tandaan: yung utang sa bank ay hiwalay sa sasakyan mismo.
Kahit totally damaged o nawala ang kotse, hindi ibig sabihin na “cancelled” na rin ang loan.
Ang banko, hindi siya affected kung nasira ang kotse — ang habol nila ay bayad ng utang.
🚗 Kung naka-loan ang sasakyan mo
Usually, required na may Comprehensive Insurance with Acts of Nature (AON) coverage.
Ito ‘yung magliligtas sa’yo financially kapag nasira ang kotse dahil sa baha, lindol, o iba pang natural disasters.
🧾 Ano ang mangyayari kapag nasira ang kotse mo?
Mag-file ka ng claim sa insurance.
Babayaran ng insurance company ang bank (dahil siya ang may hawak ng collateral).
Kung sakto o mas mataas ang claim sa remaining loan mo, considered paid na ang utang.
Pero kung kulang ang claim — ikaw pa rin ang magbabayad ng difference.
Halimbawa:
Utang mo: ₱500,000
Insurance payout: ₱450,000
➡️ Kailangan mo pa ring bayaran ang ₱50,000 sa bank.
Kung wala kang Acts of Nature coverage, hindi babayaran ng insurance ang flood damage, kaya tuloy pa rin ang monthly amortization mo kahit total loss na ang kotse. 😔
✅ What You Should Do
Check your insurance policy – covered ba ang Acts of Nature?
Inform your bank – sabihin mo agad kung may damage at magfa-file ka ng claim.
Keep paying – huwag titigil magbayad hangga’t di confirmed ng bank na settled na ang claim.
Keep your documents – photos, receipts, reports. Hahanapin ‘yan ng bank at insurer.
🔍 Bottom Line
Insurance can pay for the damage — pero loan obligations remain hanggang fully paid ang bank.
If the payout clears your debt, great. Pero kung hindi, ikaw pa rin ang sasalo sa difference.
👉 Kaya huwag tipirin ang coverage.
Ang Comprehensive Insurance with Acts of Nature ay hindi luho — protection ‘yan laban sa unexpected loss.
Send me a DM to inquire. I am a licensed non-life insurance advisor sa:
👉Oona Insurance
👉Alpha Insurance
👉Paramount Insurance