18/12/2025
๐๐๐โ๐๐๐โ๐๐๐ ๐๐จ๐ข๐ง๐ญ ๐๐ข๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ. ๐, ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ง, ๐๐๐๐๐ง๐๐ง, ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐!
Mariing kinukundena ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ang nagpapatuloy na DBMโCSCโCOA Joint Circular No. 1, series of 2025, na kung saan pinapanatili nito ang pagsasailalim sa moratorium ng mga Job Order at Contract of Service (JOCOS) employees ng pamahalaan na nagtatakda ng malinaw na direksyon tungo sa unti-unting pagpe-phase out ng JOCOS at sa higit pang pagpapalaganap ng hindi direktang hiring sa pamahalaan.
Batay sa pinakahuling opisyal na datos noong 30 Hunyo 2025, umaabot sa 919,868 ang kabuuang bilang ng mga JOCOS sa buong pamahalaanโ629,862 Job Order (JO) at 290,006 Contract of Service (COS) workers. Sa kabuuang bilang na ito, 650,571 ay nasa Local Government Units (LGUs) o 70.72%, habang 191,971 ay nasa National Government Agencies (NGAs) o 20.87%. Ang mga bilang na ito ay malinaw na patunay na ang JOCOS ay hindi pansamantala o marginal na lakas-paggawa, kundi mahalagang bahagi ng operasyon at paghahatid ng serbisyong pampubliko sa buong bansa.
Bagamaโt pinahihintulutan ng Joint Circular ang re-hiring ng mga kasalukuyang JOCOS, malinaw nitong itinatakda ang non-increase ng kanilang bilang sa mga susunod na taon. Sa aktwal na implementasyon, ang probisyong ito ay nagsisilbing mekanismo para sa unti-unting pagbabawas ng daan-daang libong non-regular na kawani at sa pagsasara ng oportunidad para sa mga bagong manggagawa sa ilalim ng JOCOS. Ito ay nagpapalalim sa kawalan ng katiyakan sa trabaho at nagpapataw ng patuloy na pangamba sa hanapbuhay ng mga kawani ng gobyerno.
Matagal nang umiiral ang third-party o manpower agency hiring sa ilang ahensya ng pamahalaan. Gayunpaman, sa ilalim ng circular na ito, mas lalo itong pinapalakas at itinatakda bilang isang katanggap-tanggap na alternatibo sa direktang pagkuha o pagha-hire ng manpower.
Sa halip na itulak ang regularisasyon at malinaw na employerโemployee relationship, binubuksan ng patakarang ito ang landas patungo sa mas malawakang paggamit ng third-party hiringโisang sistemang naglilimita sa karapatan ng mga kawani maging regular, nagtatanggal ng pananagutan ng pamahalaan bilang employer, at nagbubukas ng panganib sa maling paggamit ng pondo ng bayan.
Binabanggit din sa circular ang paggamit ng Organizational Optimization Law bilang diumanoโy mekanismo upang makalikha ng mga regular na posisyon para sa mga non-regular workers, kabilang ang JOCOS. Subalit wala itong malinaw, tiyak, at garantiya para sa regularisasyon ng halos isang milyong non-regular na kawani. Sa halip, may makatwirang pangamba na maaari itong magamit upang magbawas ng mga posisyon, mag-freeze ng plantilla, at magpatupad ng cost-cutting measures na lalong magpapahina sa seguridad sa trabaho at sahod ng mga empleyado.
Mariing ipinapahayag ng COURAGE ang pagtutol sa subcontractualization at sa lahat ng anyo ng contractualization sa loob ng pamahalaan. Dapat mismo manguna at maging huwaran ang gobyerno lalo na ang administrasyong Marcos Jr., sa pagtitiyak ng isang disenteng trabaho, na may regular na posisyon, nakabubuhay na sahod, makatarungang benepisyo, at direktang employerโemployee relationship.
Sa pagpapasa ng DBM-CSC-COA JC no. 1 siguradong magdudulot ito ng kawalan ng trabaho ng mahigit 900,000 JOCOS. Dagdag pa, hindi lamang usapin ng karapatan ng kawani ang nakasalalay rito, kung hindi, usapin din ng kalidad, tuloy-tuloy, at makataong serbisyong pampubliko na direktang nararamdaman ng mamamayan sa mga komunidad, dahil sa deka-dekada nang pagserserbisyo ng mga JOCOS employees ng pamahalaan.
Kaya naman, sa pangunguna ng COURAGE at mga unyon at pederasyon sa ilalim nito, ipinanawagan natin sa lahat ng empleyado ng gobyernoโJOCOS, contractual, at regularโ na magkaisa at manindigan laban sa mga patakarang neoliberal na ipinatutupad ng mga Burukrata Kapitalista.
Bilang mamamayang Pilipino, karapat-dapat ang mga kawani ng gobyerno sa security of tenure at tunay na regularisasyon, makabuluhang umento sa sahod na tumutugon sa sumisirit na presyo ng bilihin, at mas maayos at sapat na benepisyo na kumikilala sa ambag ng mga kawani sa serbisyong publiko.
DBMโCSCโCOA Joint Circular No. 1, Series of 2025 labanan, ibasura!๏ฟฝ
!