28/09/2026
Muli po naming pinapaalalahanan ang publiko tungkol sa muling pagbabalik ng mga scammers na gumagaya sa amin at nagsasabing may online loan po si SUKI. Ang totoo po, kami ay face-to-face transaction lamang at hindi po kami humihingi ng online payment or fees para magproseso ng loan ninyo. Sa makatuwid, wala po kaming online loan application; tanging ang mga scammers na nangagaya lamang po sa amin ang gumagawa nito at hindi po kami.
Mag-ingat sa Online Scammer, isang paalala mula sa SUKI Financing Corporation.
Para sa mga karagdagang katanungan, maaari kayong tumawag sa aming Hotline Numbers 09530847005/09175343279/09279402480, mag email sa [email protected], o bumisita sa aming pinakamalapit na branch.