30/06/2022
Q: Totoo bang twice a week na ang coding ng mga sasakyan sa Metro Manila?
A: Hindi po. Ayon sa MMDA, nananatili pa rin po ang Metro Manila sa ilalim ng UVVRP (see photo of schedule)
kung saan bawal ang mga sasakyan sa pagbiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng plate number mula 5 pm hanggang 8 pm.
Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes, gaya ng dati.
Q: May coding pa po ba sa umaga?
A: Wala po. 5PM-8PM lang po ang coding. mula Lunes hanggang Biyernes, except holidays, MALIBAN po sa Makati City na nagpapatupad ng 7am-7pm na coding hour.
Q: May exemptions po ba sa pagpapatupad ng number coding scheme na ito?
A: Mayroon po. Exempted sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, trak ng petrolyo, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.
*ang mga impormasyong ito ay batay sa anunsyo ng MMDA noong June 28 sa kanilang official social media account.