12/07/2022
KAILAN DAPAT IPA-BIOPSY ANG ISANG
❓❓
✍️Ang mga kulani o lymph nodes ay normal na matatagpuan sa maraming parte ng ating katawan. Ito ay ang bahagi ng ating immune system kung saan naninirahan ang mga lymphocyte na panlaban sa mga infection at iba pang mga sakit tulad ng lupus at cancer. Karamihan sa ating lymph nodes ay hindi nakakapa dahil malalim o nasa loob ng katawan ang mga ito, pero maaaring makakapa ng paisa-isang kulani sa leeg, kili-kili at singit kung saan ito ay parang butil ng mais sa ilalim ng balat. Ang pamamaga ng kulani ay pinakamadalas na dulot ng mga bacterial/viral/parasitic infection, ngunit sa ilang pagkakataon ay maaari itong maging senyales ng cancer. Hindi dahil may kulani ka ay mayroon ka na agad cancer.
Kailan dapat ipa-biopsy ang isang kulani? Kapag mas maraming check sa mga ito, mas lalong dapat ipatingin sa doktor para sa posibleng biopsy.
1) Kapag ang sukat nito ay mas malaki sa 1.5 cm x 1.5 cm o halos kasukat ng isang 1-peso coin
2) Kapag ito ay tumagal nang higit 4 weeks
3) Kapag walang ibang mga senyales ng kaakibat na infection tulad ng ubo, sirang ngipin at pigsa
4) Kapag hindi ito lumiliit kahit nakatapos na ng dalawang ulit ng tamang gamutan para sa isang pinagsususpetsahang infection
5) Kapag may kasamang abnormal na sintomas tulad ng madalas na lagnat, pagpapawis sa gabi at pangangayayat (hindi sinadyang pagbawas ng higit 10% ng karaniwang timbang sa loob ng nakaraang 6 months)
6) Kapag mabilis itong lumalaki o nagdidikit-dikit na ito sa isang grupo at hindi naigagalaw kapag hinawakan
7) Kapag nagsugat, dumugo o pumutok ito
WALANG PANGTUNAW SA KULANI. Para magamot ang kulani, ang sanhi nito ay kailangan munang matukoy. Kaya mahalagang MAGPATINGIN SA DOKTOR kapag ikaw ay mayroong kahina-hinalang kulani para ikaw ay masuri, magawan ng mga nararapat na laboratory test at magamot ito nang tama depende sa diagnosis.
Tandaan: Ang mga impormasyon sa pahinang ito ay hindi naglalayong pumalit sa karampatang personal na konsultasyon sa isang doktor.
Napatunayan n ang green barley ay may malaking naitutulong upang mgkaroon ng tamang nutrition at maging malakas ang ating immune system.Nang s ganun,my laban ang ating katawan s mga karamdaman n tulad ng kulani..
For inquiries and orders. message directly 😊
You may text or call:
Alice ubaldo
Globe: 09561602130
TNT: 09071588873
Available for COD transaction 😊
We ship local and international ✈️
ALSO OPEN FOR RESELLERS AND DEALERSHIP!!!
FREE DEALERSHIP!!!