24/02/2022
Maganda umaga sa lahat mga ka-S&A, gaya ng payo namin sa inyo tuwing kayo ay mag-rerefill / magpapakarga ng inyong mga LPG Tanks, laging tignan kung ang selyo ba ay tugma sa brand name ng tangke na ibinigay sa inyo. Iwasan tumanggap ng blangko na selyo.
LPG Technicians of the Philippines
"WASTONG SELYO AY TANDA NG KALIDAD"
Lahat ng tanke ng LPG ay kailangan may brand name, ito ay mahalaga upang malaman kung sino ang nagmamay-ari at nagpapanatili ng kalidad nito.
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na hindi ito maaring bawasan ng laman ayon sa kagustuhan ng mga nagpapakarga o nagtitinda at babaan ang presyo nito.
Siguraduhing ORIHINAL ang selyong nakakabit sa tangke, dahil ito ay TANDA NG KALIDAD ng kanilang produkto, dumaan sa tamang proseso ng pag refill at upang malaman kung saang planta ito nakargahan.
Huwag tangkilikin ang LPG na hindi tama ang selyo o walang marka ang selyo, kahit mura ang halaga nito, dahil ito ay HINDI Ligtas at HINDI Patas na Gas.
Sa mga independent refillers, dealers, marketers at retailers tiyakin na lahat ng tinitindang LPG ay ligtas, walang tagas, tama sa timbang at mayroong WASTONG SELYO na naaayon sa BRAND NAME at LOGO ng tanke. - LPG Technicians of the Philippines