09/05/2026
VUL is a scam
Nakita ko lang may nagcreate ng video about it na creator sa ibang social media platform na parang content nya is about investing mismo.
Here are the reasons bakit nya sinabi na "scam" daw.
1. Talo yung investment mo.
- Meaning nya ng "talo" dito is mas malaki yung total na hinulog mo kaysa sa laman ng total investment mo na pwede mong i-withdraw
So basically, he is comparing other investment instrument such as mutual funds or UTIF to a VUL plan which is like comparing apples to oranges. Kasi in VUL meron ka pang binabayaran na insurance coverage.
Hindi lang sya investment, may insurance sya. Part yun ng package.
And if you are a client na naexplain sayo nang maayos ng agent mo yung plan mo or you are a responsible agent, alam mo na sa unang mga taon ng paghuhulog mo, mostly dun ay napupunta sa insurance.
You need TIME para mag-equal or lampasan ng growth ng investment yung total na hinulog mo. Dito papasok ang power of compounding interest.
Depende rin ito if malaki yung coverage na nilagay mo sa plan mo. Mas malaking protection, mas malaking portion din ng ihuhulog mo ang mapupunta sa pambayad ng insurance benefits mo.
Pero meron rin tayong tinatawag na single-pay VUL plan na mas mabilis ang growth kasi most ng ihuhulog mo dito ay nasa investment na agad at konti lang ang cost of insurance kasi death benefit lang ang laman nya kadalasan.
Next point, pag bumili ka ba ng property tapos bumaba yung value ng property after mo sya bilhin, sasabihin mo ba na na-SCAM ka?
Likewise, if nag-invest ka sa ponzi scheme tapos kumita ka kasi ikaw ang unang nag-invest dun, masasabi mo ba na LEGIT INVESTMENT sya kasi kumita ka? Hindi di ba?
So hindi magandang basis ng legitimacy ng investment ang earning kasi sa investment, palagi yang may risk na involve. Pwede yan kumita, pwede rin hindi.
Kaya para i-generalize na SCAM ang VUL kasi hindi ka "kumita" is such a lame and irresponsible thing to do.
2. Mas malaki daw ang commission ng agent sa VUL plan.
Common misconception din ito.
Hindi lahat ng VUL plan, mataas ang commission. At hindi rin lahat ng traditional insurance, mababa ang commission.
Yung commission ng agents, part yan sa computation ng insurance companies sa business nila. Agents ang mostly nagda-drive ng sales ng insurance companies kaya it make sense na bigyan nila nang maayos na compensation ang mga agents
3. Expose daw sa MATAAS na RISK palagi ang investment ng clients
Okay, wrong din.
May mga fund types na pwede pagpilian ang clients based on their risk appetite (may mga conservative & aggressive funds)
at ang mga funds na ito ay mina-manage ng mga local at international fund managers. Experts ang nagmomonitor at gumagawa ng strategy kung pano kikita yung investment ng mga clients.
Trained and highly skilled na FUND MANAGERS yan.
Which I think is also one of the advantages of having a VUL plan lalo na kung hindi talaga kaya ni client na bigyan ng time ang sarili nya mag-aral ng investment. Ipa-manage nya na lang sa experts.
To conclude, until now marami pa ring namimisunderstood kung paano nagwo-work ang VUL plan.
This is both responsibility ng agent- dapat talaga attend ka ng trainings at huwag lang basta magbenta. Aralin yung negosyo nang maigi, ipaliwanag nang maayos sa clients ang plan
at mag-offer ng plan na swak sa needs, budget and GOALS ng clients. Wag ipilit na VUL ang kunin ni client kung pang traditional insurance naman talaga sya base sa assessment mo.
and responsibility mo rin ito as client, NEVER INVEST IN SOMETHING THAT YOU DONโT UNDERSTAND. Basic rule yan sa investing.
At wag lang mag-start ng investment dahil nahiya kang humindi sa kaibigan o kapamilya mo.
or DAHIL LANG USO.
Kahit anong investment pa man yan. ๐