26/01/2026
πππππ ππ πππππππ
Kasunod ng abiso na inilabas noong ika-21 ng Enero 2026 ukol sa mga accredited insurance companies sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance Program (PPAIP), alinsunod sa Department of Transportation (DOTr) Order 2018-020 at sa Insurance Commission Circular Letter No. 2025-017, ipinapaalam ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sa ika-2 ng Pebrero ngayong taon magsisimula na ang mga transaksyon sa mga nasabing kompanya.
Narito muli ang mga pool of accredited insurance companies:
β’ Passenger Accident Management and Insurance Agency, Inc.
β’ SCCI Management and Insurance Agency Corporation
β’ Centerstar Management and Insurance Agency
Bahagi ito ng pagpapatupad ng mga polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa gabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez, at sa pangunguna ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, na tiyakin ang maaasahan at lehitimong nagbibigay ng passenger insurance services, upang mas paigtingin ang paglunsad ng ligtas, responsable, at makataong pampublikong transportasyon para sa mga mananakay.