03/08/2026
Mahirap tumandang mag isa. May sakit at walang naipong pera. Hindi masamang maging mabait at mapagbigay sa kaibigan o kamag anak. Sa ating pagbibigay dun tayo mas pinagpapala. ☝🏻
Pero yung wala kang iniwan para sa sarili mo. Yun ang mali. Maliit o pakunti-kunti man ay matuto tayo magsinop sa ating pinagpaguran ngayon.
Responsibilidad mo higit sa kaninuman ang pangalagaan ang future mo. Hindi ka habang buhay na malakas. Hindi ka habang buhay makakapagtrabaho.
Pagdating ng panahon ikaw ay tatanda 👴🏻👵🏻 ang galing at husay mo ay lilipas, ang mga naitulong mo ay makakalimutan. Ikaw na dating kinakapitan ay mangailangan din ng pagkakagastusan.
Maging mahusay sa paghawak ng kinita habang ikaw ay malakas pa, dahil ang realidad....
Hindi natin pwedeng asahan ang ibang tao at lalong hindi natin hawak ang bukas....