28/02/2022
Share ko lang, totoo naman kasi...
Ang Mga Totoong Dahilan Kung Bakit
ba WALANG IPON ang Karamihan sa aming OFW:
Sa halos lahat ng naattenan kong seminars, kapag ang speaker ay nagtatanong kung may naipon na ba kami, ang malakas na laging sagot ay "OO, RESIBO!" tapos non ay siguradong susundan ng tawanan.
Pero after ng masayang hagikhikan, talaga bang nakangiti ka pa rin pag nakikita mo na ang utang na imbes na nababayaran ay lalong nagpapatong-patong, anytime ba na mawalan ka ng trabaho ay handa ka at mga kamag-anak mo na uuwi ka na?
Sa mga nabasa at narinig kong kwento ng mga OFW na tulad ko, ito ang tatlong (3) dahilan bakit imbes na makaahon financially eh lalong nababaon:
1. ~ “Maliit lang sahod ko, paano pa ako makakaipon?” Maling pag-iisip ito. Bakit? Marami ring malaki ang sahod na tulad mong baon sa utang. Kung totoong maliit na sahod ang dahilan, sana wala ng nakaangat sa buhay na mahirap.
“Ano ba naman ang Php1,000 buwan-buwan? Walang magagawa yung halaga na yon sa kinabukasan ko!” MALING PAG-IISIP na naman yan. Isipin nyo na lang kung makaipon kayo non buwan-buwan at nilagay mo sa tamang investment vehicle, pwedeng kumita ka ng Php20,000 mahigit sa loob ng 5 taon. San mo mapupulot yung ganong halaga?
Huwag maliitin ang sahod at ang magagawa ng maliit na perang maitatabi. Tandaan, beware of little expenses. A small leak will sink a great ship. Ganun din sa pag-iimpok, baligtarin mo. Ang kaibahan nyan, ang maliit na ipon ay makakapagpatayo ng malaking barko. Kuha nyo?
2. ~ Di natin makaya na disiplinahin ang sarili at mga naiwan natin sa Pinas. Lagi mong iisipin ang totoong dahilan bakit ka nangibang bayan. At yon ang unahin mong atupagin na matupad. Disiplinahin mo ang sarili mo na mag-impok hindi lang para sa 'yo kundi para sa pamilya mo.
Tandaan mo, kapatid na OFW, ikaw ang unang-una papasok sa isip ng mga tao sa Pinas sa panahon ng pangangailangan. Gusto mo ba na ang pang-ospital ng pamilya mo eh ipagmamakaawa mo pa sa mga kamag-anak mo na nasa Pinas?
3. ~ May nabasa akong kwento; ang asawa na naiwan sa Pinas, kumuha ng sangkatutak na loan - housing loan, car loan, panay ang kaskas ng credit card at mga bagong devices. Kitang-kita na ang pag-asenso nila ng maraming tao. Pero isang araw, natanggal ang asawang seaman sa trabaho. Sa tingin mo, san sila kukuha ng pangtustos sa mga kinuha nila na hulugan? It's either uutang or ibebenta nang palugi ang mga ari-arian.
Turuan natin ang sarili natin sa pag-gastos sa abroad at lalong-lalo na ng mga naiwan natin sa Pinas. Huwag natin isipin na mababayaran ng mga gadgets na ipapadala mo ang oras na wala ka sa piling ng mga anak at asawa mo.
Huwag makipagkompetensya sa kapitbahay. Hindi porke bumili sya ng 60-inch na tv eh dapat meron din ang pamilya mo. Huwag na huwag makipag-sabayan kung hindi talaga kaya.
Sana ay makatulong ito para maharap ng mga OFW ang katotohan (masakit man) na marami sa atin ay merong MALING PAG-IISIP, WALANG DISIPLINA at NUKNUKAN NG YABANG. Di ako magpapasintabi kasi gusto ko talaga kayong matamaan at magising. Nasa sa inyo na nga lang kung tatangapin nyo ito in positive or negative way.
©️ttO
Dipa huli ang lahat kabayan!Pm mo ako usap tayo.